Ace AiTenshi Feb 18, 2017 Part 25: Simula ng Pag unlad "Goodmorning ma, ang dami niyan ah." ang bati ko kay mama noong makita itong nag luluto sa kusina. Maraming sangkap sa lamesa naka hanay ang mga ito mula sa prutas, gulay, pampalasa at iba pa. "Nasaan po si kuya Sam? Sabado ngayon ah." ang pag tataka ko. "Maagang umalis ang kuya mo at mayroon silang practice ng basketball doon sa gym. Dito raw mag hahapunan yung mga kateam niya kaya't nag hahanda ako ng masarap na dessert. "Ah kaya pala." ang sagot ko naman sabay dukot sa isang bugkos ng ubas sa tray. "Hep hep, ano iyan ha." ang wika ni mama sabay kurot sa aking tagiliran. Natawa naman ako at agad na isinubo ang mga ubas sa bibig para hindi na niya mabawi pa. "Himala, pumayag si kuya na dito dalhin yung mga kateam