Ace
AiTenshi
Feb 3, 2017
Part 13: Parangal
"Ngayon mga nakakalipas na buwan ay dumaan tayo sa samu't saring pag subok. Maraming buhay ang nawala at maraming pag aari ang nasira. Ngunit gayon pa man ay nanatili tayong matatag kasama ang ating mga kapulisan. Sa panahon ng kagipitan at panganib sila ang ating nagiging sandalan. Hindi madali ang aming gawain bilang alagad ng batas, pawis, dugo at buhay ang aming puhunan upang maging maayos ang aming pag lilingkod. Sa bawat oras ay naka taya ang aming kaligtasan at ang aming sarili ay nagiging pangalawa nalang sa aming misyon. Noong nakaraang mga buwan, ang ating siyudad ay binalot ng takot dahil sa pang gugulo ng mga depektong makina gawa ng iba't ibang kompanya. Gayon pa man ay may dalawang bagay ang aming napag tanto sa pang yayari ito, una, masaya kami dahil ito ang patunay ang teknolohiya sa ating bansa ay patuloy sa pag unlad. Ang ating mga siyentipiko ay hindi na kinakailangang lumabas ng bansa upang gamitin ang kanilang kakayahan at talino dahil tayo mismo ay kayang makipag sabayan sa kanila. Ikalawa, ang sobrang teknolohiya ay nakasasama rin, katulad na lamang ng paninira ng mga depekto at hindi pulidong makina noong mga nakakaraan araw.
Ang ating mga pulisya ay hindi nag pabaya sa kanilang tungkulin para sa bayan. Ang ilan sa kanila ay napinsala at nag buwis ng buhay para sa seguridad na wala sibilyan ang mapapahamak. Ngunit ano ang laban ng isang taong may dugo't laman sa isang makina na gawa sa bakal? Iyan ang katanungang madalas gumigimbal sa amin kapag aming naiisip ang paunlad ng paunlad na teknolohiya. Ngunit gayon pa man, ang aming takot ay nababawasan dahil na rin sa isang munting bayani na siyang aming naging inspirasyon upang mas pag igihan ang aming mga tungkulin." ang wika ng commander at doon ay nag palakpakan ang lahat..
Namatay ang ilaw sa buong bulwagan at kasabay nito ang pag sindi ng big screen na parang nasa loob kami ng isang sinehan.
10.. 9.. 8.. 7...
Nag simula ang count down sa naturang screen hanggang umabot ng 3.. 2.. 1...
Tumugtog ang isang rock music at kasabay noon ang pag labas ng aking sarili na ginawang parang music video sa isang kanta. Makikita sa naturang palabas ang laban ko sa combot tournament. Ang matataas na lundag, ang malalakas na suntok, ang sumasabog na pag atake at ang pag knock out ko sa depending champion.
Ipinakita rin ang laban ko sa kalsada sa mga depektong robot na gawa ng RC corp at marami pang iba..
Hindi rin mag kamayaw ang palakpakan at hiwayan ng mga kapulis na parang nanonood ng boxing sa telebisyon. Hindi naman ako makapaniwala sa nangyayari, para bang nanaginip lang ako dahil tila yata napaka imposible na gawaran ako ng ganitong pag kilala lalo't isa lamang akong makina na pinaandar ng baterya..
Sa pinaka dulo ng video ay ang aking close up na kuha sabay thumbsup. Kuhat itong nag champion ako sa tournament habang hawak ang gintong tropeyo.
Sumindi ang ilaw sa bulwagan..
Palakpakan ang lahat habang muling lumalapit si commander sa mikropono.
"Ang ating susunod na panauhin ay talaga namang sikat at popular sa lahat. Sa totoo lang ay ngayon lang dinagsa ng daan daang media ang ating event dahil sa kanya. Ang tinutukoy ko ay ang isang dakilang bayani na sumasagupa at tumulong sa ating kapulisan sa oras ng panganib at pangangailangan. At para tanggapin ang aming munting pasasalamat, tinatawagan ko dito sa entablado ang nag iisang powerful combot champion! "ACE!!" magiliw na pakilala ng officer.
Ang lahat ay nag tayuan at palakpakan habang naka tingin sa akin..
Hindi ko naman malaman ang gagawin, basta binulungan lang ako ni kuya Samuel na pumunta sa stage at sabihin ang aking pasasalamat. Yung prinactice namin nitong nakakaraang araw.
Noong mga sandaling iyon ay hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, mabilis ang mag pintig ng aking circuit na parang lalabas ito sa aking katawan. Nag lakad ako patungo sa entablado at inabot ang plake na kulay pilak at yari sa salamin. Sinabitan rin ako ng gintong medalya na may simbolo ng pulisya.
Patuloy sa pag palakpak ang mga tao sa paligid, samantalang ako naman ay nakaramdam ng ibayong tuwa habang pinag mamasdan ang mga parangal na kanilang iginawad sa akin. Ilang sandali rin ako naka ngiti at itinataas ang tropeyo bago muling lumakad sa poduim at mag pasalamat sa mga taong nag bigay parangal sa akin.
"Ang natanggap ko pong parangal ay inaalay ko kina mama, papa at kuya. Sila ang tumatayong magulang ko mag buhat noong magising ako sa mundo. Hindi naman ako isinilang eh, maaari ko po bang sabihin na ginawa ako o kaya ay iprinogram?" ang pabiro kong panimula.
Tawanan ang lahat, pati si kuya ay natawa rin sa kanyang kinauupuan. Hindi naman kasi iyon ang inensayo namin.
"Ang totoo nun ay hindi ko alam kung paano ba ako nabuo, basta gumising nalang ako at mukha ni kuya Samuel ang aking agad na nasilayan. Matapos iproseso ng aking program ang detalye sa kanyang anyo ay siya na ang kinilala kong kapatid at kapamilya. Itinuring ako nina mama at papa bilang tunay na anak at ibinigay nila ang aking lahat ng pangangailangan mula sa pag kain, damit at tahanan. Noong una ay nakakaramdam ako ng ibayong kakulangan sa aking sarili, tila ba nag lalakad ako sa isang madilim na daan na walang patutunguhan at walang babalikan. Hanggang sa ang daang iyon ay unti unting nag liwanag dahil sa kanilang walang kapantay na pag mamahal. Kaya't buong puso kong iniaalay ang parangal na ito kina mama, papa at kuya Samuel. Mahal na mahal ko po kayo." ang naka ngiti kong salita..
Palakpakan ang lahat..
"At para naman po sa mga bayaning kapulisan ng ating bayan, kaisa nyo po ako sa pag papalaganap ng kapayaan sa buong siyudad. Si Ace ay parating nandito upang tumulong sa abot ng aking makakaya. Kayo po ang inspirasyon ko upang maging mas matapang at matatag sa mga labang aking kinakaharap. Maraming salamat po sa inyo lahat." pang wakas kong salita sabay taas ng tropeyo.
Isang masigabong palakpak ang iginawad ng buong bulwagan. Maya maya ay umakyat dito ang commander at nag salita. "Salamat sa iyo Ace. Pero alam mo ba na ang bawat pinararangalan dito sa aming anibersaryo at nag kakaroon ng talent portion? Nais naming makita ang sample sample mo!!" ang masayang wika nito.
"Sample sample? Ano po iyon?" ang tanong ko sabay kamot sa ulo.
Tawanan ang lahat .
"Teka hijo, ang ibig sabihin ng sample ay mag papakitang gilas ka, maaaring sa pag sayaw o sa pag awit. Ano may baon ka ba dyan?" ang tanong nito habang naka akbay sa akin.
"Sample sample sample!!" sigaw ng mga nanonood
Nangiti ako at nakaramdam ng excitement. Kakaibang tuwa ang lumukob sa aking dibdib at doon inabot ko ang mikropono. "Kakanta po ako." ang wika ko na siyang naman ikinatuwa ng lahat. Samantalang si kuya Sam naman ay napatakip nalang ng tenga at lumubog sa kanyang pag kakaupo.
"Nakakainis ka naman kuya eh!" sigaw ko sa aking sarili ngunit hindi naman ako pinang hinaan ng loob. Madali lang naman sa akin ang kumanta dahil kaunting ayos lang sa settings ng aking program ay maaari na akong kumanta.
Lumabas sa aking paningin ang salitang "processing".
Select option:
Singing
Dancing
Acting
Sports
Others
Pinili ko ang "singing" at mula dito ay lumabas ang panibagong options.
Videoke
Mimic Voice
Pinili ko ang "mimic voice" at mula dito ay lumabas ang daan daang singer na naka rehistro sa aking program. Pipili lamang ako ng singer na maaari kong maging kaboses at iseset ito.
Select Artist
Milkyway
My Chemical Romance
Matchbox 260
Helium
CYF
Big Bang Theory
BTS
Juggernaut
Metalic Angel
Crazy Miya
Damian
Kikay
Sexballs
Iggy and Skitty
Rock Chick
Funky Boy
Carl 2060
Interstellar
Andromeda
Marami pang options na lumabas, mga sikat na singer sa nakaraang panahon at maging sa kasalukuyan. Ngunit sa lahat ng ito, pinili ko ang bandang Rivermaya. May katagalan na ang kantang iyon, classic na kung tutuusin. Mahalig lang talaga si kuya sa mga oldies na songs o yung kapanahunan pa ng mga lolo nya kaya't iyon ang inilalagay ko sa aking program.
Matapos kong piliin ang artist na aking gusto at isinet ko ito at dito ay nag simula akong kumanta para sa lahat.
214
Rivermaya
Am I real?
Do the words I speak before you make you feel
That the love I've got for you will see no ending?
Well if you look into my eyes then you should know
That you have nothing here to doubt nothing to fear
And you can lay your questions down cause if you'll hold me
We can fade into the night and you'll know
CHORUS:
The world could die and everything may lie
Still you shouldn't cry
'Cause time may pass
But longer than it'll last
I'll be by your side
Take my hand
And gently close your eyes so you could understand
That there's no greater love tonight than what I've for you
Well if you feel the same way for me then let go
We can journey to a garden no one knows
Life is short my darling tell me that you love me
So we can fade into the night and you'll know
The world could die and everything may lie
Still you shouldn't cry
'Cause time may pass
But longer than it'll last
I'll be by your side
Forever by your side
Halos napa tulala ang lahat sa aking ginawang pag awit. Pati si kuya ay maluha luhang naka tingin sa akin habang nag tthumbs up. Iyan ang nagagawa ng teknolohiya kaya madali lamang sa aking maging kahit na sinong aking naisin. At natitiyak ko sa mga susunod na taon ay magagawa na rin ito ng ordinaryong tao, ang lahat kasi ay paunlad ng paunlad kaya parang wala na ring imposible.
Isang malakas na hiyawan ang isinukli sa akin ng mga manonood. Kasabay nito ang pag akyat ni Commander Paulino De Dios may dala itong uniporme ng pulis at iniabot sa akin. "Tanggapin mo ang aking munting regalo sa iyo. Sana ay magustuhan mo ito." ang naka ngiting wika nito at doon ay nakita ko ring umakyat ang anak niyang karibal ni kuya sa lahat ng bagay, si kuya Paulo dala ang isang kumpol na pulang rosas na iniabot sa akin. "Congrats bro. Para sa iyo." ang wika nito sabay akbay sa akin.
Dagsa nanaman ang press at media. Hindi mag ka mayaw sa pag kuha ng larawan.
Abot naman ang pasasalamat ko sa kanilang regalong ibinigay sa akin. Halos hindi na mabakbak ang ngiti sa aking labi habang ninanamnam ang maligayang sandaling iyon.
At habang nasa ganoong posisyon namin kami ay siya ring pag akyat ni kuya Samuel sa entablado hawak ang isa pang kumpol na rosas na kulay puti. Mas malaki ito at magarbo kaysa sa ibinigay ng kanyang karibal. Iniabot nya iyon sa akin at kinuha ko naman ito. "Wow sana makahinga ako." ang wika ko habang nasusukluban ng bulaklak sa mukha.
Nag patuloy ang pag diriwang hanggang sa mag pasya na sina papa at mama na umuwi. At bago ako sumakay ng sasakyan ay hinabol pa ako ni kuya Pau upang kunin ang aking number na siya namang kinainis ni Kuya Samuel. Agad akong hinatak nito papasok sa kanyang sasakyan at pinaandar ito ng mabilis. Pati sila mama na nakasakay sa sasakyan ni papa ay nagulat rin dahil sa pag paspas ng kotse ni kuya Sam sa kanilang harapan.
"Ang landi mo tol. Nakaraharap ako tapos nakikipag landian ka sa ibang lalake." ang wika ni kuya na hindi maitago ang pag ka gigil.
"Wala naman po kaming ginawang masama ni kuya Pau. Nag pa picture lang sya at binigyan ako ng bulaklak kanina bilang regalo." ang depensa ko naman.
"Sabi na nga ba eh, gagawa nanaman ng eksena yung tarantado na iyon. Ako sana yung unang aakyat para mag bigay ng bulaklak kung hindi lang nadelay yung delivery doon sa flowershop na tinawagan ko. Badtrip talaga!" ang sagot niya na hindi maitago ang pag kadismaya.
"Wag kana mainis kuya. Maayos naman ang lahat diba?" ang tanong ko
"Badtrip! Asar!" bulong nito habang humaharurot ng takbo ang aming sasakyan.
Kahit pag dating sa bahay, agad itong nag alis ng saplot. At dumiretso sa banyo para maligo. Ako naman ay naka tingin lang sa tropeyo at medalya na iginawad sa akin kanina. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang palakpak at hinawayan ng mga tao habang inaabot ko ang mga ito. Labis akong nag papasalamat sa isang gabing ito na hindi ko naramdaman na iba ang tingin at turing ng mga tao sa aking paligid. Parang isang normal na bata kung ako ay kanilang purihin kanina at hanggang ngayon ay lumulutang pa rin ako sa ikapitong alapaap.
Siguradong ang mga sandaling ito ay naka record na sa aking isipan, parati ko itong uulit ulitin hanggang sa hindi na maalis ang matamis na ngiti sa aking labi.
itutuloy.