Chapter 7.2 - The Contract Marriage

1475 Words
Pagtunog muli ng telepono ko ang bumasag sa katahimikan na namamayani sa pagitan namin ni Mikel. Kasalukuyan kami na nasa kan’yang mamahalin na kotse na nakaabang na sa amin sa daungan kanina. Naghiwalay na kami ni Stan na mayroon din sarili na kotse na minamaneho. Ganito yata talaga ang mga mayayaman, hindi sanay sa carpooling na tinatawag. "Answer the phone, bu." Bahagya ako na nilingon ni Mikel upang ipasagot ang aking telepono na kanina pa sa pagtunog at pagkatapos ay itinuon na niya ulit ang atensyon niya sa pagmamaneho. Gaya nang inaasahan ko, si Chad na naman ang muli na tumatawag. "Bakit ba ayaw mo na sagutin? Is that your boyfriend?" "Hindi ah." agap ko na sagot. "Then answer the damn phone." Iritable na naman niya na baling sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag. "Nasaan ka na, Tamara? Isang linggo na ngayon, ano ang gusto mo? Ang ipahanap na kita at kaladkarin pauwi?" Malakas na boses ni Chad ang umalingangaw sa telepono ko hindi pa man ako nakakasagot. At dahil sa lakas ng boses niya ay napasulyap sa akin si Mikel at ang mga mata ay nagtatanong. "Nasa Maynila na ako, Chad. Hindi mo na ako kailangan na bulyawan at pagbantaan." matigas na sagot ko. Sa kabila ng aking takot na nararamdaman ay pilit ko na pinatatatag ang boses ko. "Who is that?" Malakas din ang pagkakasabi ni Mikel kaya matatalim na tingin ang ipinukol ko sa kan'ya. "Sino ang kasama mo, Tamara? Nasaan ka? Boses ba ng lalaki iyon? Ano ang ginagawa mo? Naglalandi ka na naman ba, ha?" Sunod-sunod at galit na galit na tanong ni Chad. "Sino ‘yan kausap mo?" ulit ni Mikel na pagtatanong sa akin. At sa oras na ito, hindi ko alam kung sino sa kanila ng kapatid ko ang uunahin ko na sagutin. "Umuwi ka ngayon din, Tamara. Malilintikan ka talaga sa akin kapag wala ka mamaya pag-uwi ko." Huling pagbabanta pa ni Chad at tuluyan na pinutol ang tawag. Hindi pa man ako nakakahuma sa kaba na naramdaman ko sa tawag na iyon ay ito na naman si Mikel at sunod-sunod din ang naging pagtatanong sa akin. "What the hell was that? Sino iyon? Ano ang problema niya? Ilan taon ka na ba para ituring ka niya na parang isang batang paslit na nawawala? Siguro naman nasa tamang edad ka na, nakapagpakasal ka na nga at lahat." Napahugot na lamang ako ng aking hininga bago sagutin ang mga tanong na ibinato niya sa akin. "I am twenty-five years old and Chad is my brother." Tumikhim siya at naghintay sa muli na isasagot ko. Dapat ba na sabihin ko na sa kan’ya? Pero paano kung madamay pa siya sa kawalanghiyaan ng kapatid ko? Hindi ko yata maaatim ang bagay na iyon. "I’m waiting, Tamara." "Pinapauwi na ako ni Chad sa amin. Lumayas ako sa amin kaya nakarating ako sa Mindoro." simple na tugon ko. "Naglayas? Bakit naman sa edad mo na iyan ay maiisipan mo pa ang paglalayas?" "I have to. Hindi ko ginusto, pero kailangan. Sa tingin mo ba ay masaya ako sa ginawa ko? Hindi ko ikinasaya ang paglalayas ko. Wala lang ako na ibang pagpipilian kaya ko iyon ginawa. Ayaw ko na manatili sa bahay namin." "Kung gano'n, dapat ay sinabi mo na may asawa ka na kaya hindi ka na sa bahay ninyo uuwi, kung hindi sa bahay na ng asawa mo." Muli ay napa buntong hininga ako. Bakit ba parang sa kan’ya ay napakadali lang ng lahat ng bagay? Kung alam lang niya na sarili ko na buhay ang nais ko na iligtas kaya ako lumayo at naglayas. "Paano ko sasabihin sa kan’ya ang bagay na iyon kung ang dahilan ng paglalayas ko ay dahil ayaw ko tumupad sa kasunduan ng kasal?" Bigla ang naging pagpreno ni Mikel sa sasakyan at mabuti na lamang ay naka seatbelt ako, kung hindi ay baka humampas na ang pagmumukha ko sa windshield. Salubong ang kilay na tinitigan niya ako at hindi ko mawari ang emosyon sa mukha niya. Iniisip ko tuloy kung may nasabi ba ako na dapat niya na ikagalit. "Tumakas ka sa pagpapakasal tapos ay nagpakasal ka sa akin? Are you crazy!?" Sunod-sunod na busina mula sa aming likuran ang nagpabalik sa wisyo kay Mikel kaya ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho. Kahit ang atensyon niya ay nakatutuok sa harap ng daan ay kitang-kita ko ang nakakunot niya na noo. "Ayaw ko na magpakasal sa tao na hindi ko kilala at hindi ko gusto." sagot ko pa. "Baliw ka nga talaga! Paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan? Ako mismo na pinakasalan mo ay hindi mo nga kakilala at sigurado rin ako na hindi mo ako gusto. Kaya ano ang kaibahan noon? Tapos ngayon ay nakipagkasundo ka pa sa akin na ipagpatuloy ang pagpapanggap sa kasal na ito. Nasisiraan ka na talaga ng bait." Gusto ko nang mainis at mabuwisit sa mga sinasabi ni Mikel, pero paano ko magagawa iyon? Lahat nang tinuran niya ay tama at nasa punto. Wala naman talaga na kaibahan ang ginawa ko. Nagpakasal din ako sa tao na hindi ko kilala at hindi ko ginusto. Ilang ulit ko na rin ba iyan na natanong sa isipan ko? "Ano? Nagrerebelde ka lang sa pamilya mo, gano’n ba? Kaya imbes na magpakasal ka sa tao na pinili nila para sa’yo ay mas ninais mo na magpakasal sa tao na ikaw mismo ang pumili, kahit na hindi mo rin kilala at hindi mo rin gusto. Iyon ba ang nais mo na patunayan?" "Komplikado ang buhay ko sa ngayon, Mikel. At ito lamang ang tangi na paraan na alam ko. Hindi mo pa maiintindihan ang lahat sa ngayon, pero pangako, aaminin ko ang lahat-lahat. Ayaw ko lamang na madamay ka pa sa galit ng kapatid ko." "At sa tingin mo ba ay pababayaan ko rin na magalit sa’yo ang kapatid mo? Ilang beses ko ba uulitin sa’yo na kargo na kita bilang asawa ko. At kahit na sa papel lang tayo mag-asawa ay gagawin ko pa rin ang mga responsibilidad ko sa’yo, kasama ro’n ang pagsisigurado sa kaligtasan at kapakanan mo." Parang maiiyak ako sa mga naririnig ko kay Mikel. Napakasuwerte ng babae na mamahalin niya. Napakaresponsable niya na kung ako nga na napilitan lamang siya at isang pagkakamali lamang ay sobra-sobra na ang ginagawa niya para sa akin. Paano pa sa babae na mamahalin niya? Humarap na lamang ako sa bintana upang putulin na ang usapan namin. Baka hindi ko makayanan ang emosyon ko at mapaiyak na lamang ako. Napansin ko ang pagpasok ng sasakyan sa isang ekslusibo na subdibisyon. Naglalakihan ang mga bahay rito. "Bahay ito ng mama ko at sa kabilang subdibisyon ang bahay ko. Ipapakilala muna kita sa kan’ya bago tayo uuwi sa bahay natin." Bahay natin? Nang sabihin niya iyon ay may kung ano na kumurot sa puso ko. Masarap pala isipin na kahit lokohan lang at kasunduan lang ito ay may umaako ng responsibilidad para sa akin. "Ako na ang bahala sa kapatid mo. Ibigay mo lamang sa akin ang kumpletong address ng bahay ninyo at uutusan ko ang mga tauhan ko na padalhan sila ng imbitasyon para sa salo-salo." "Salo-salo?" naguguluhan na tanong ko. "Oo, salo-salo. Ipapakilala na kita bilang asawa ko." Walang sagot ang namutawi sa akin. Pagkakaba ang muli ay naramdaman ko. Kailangan ko siguro na paghandaan ang araw na iyon, lalo na at magkaiba kami ni Mikel ng estado sa pamumuhay. Huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay. Simple lang ang disensyo nito pero halatang-halata na mayaman ang nagmamay-ari nito. Napaka-elegante ng dating ng bahay. "Let’s go. Ipapaalala ko lamang sa’yo, Tamara, ito na ang simula ng ating pag-arte." Bumaba siya ng sasakyan at umikot sa aking gilid upang alalayan ako sa pagbaba. Hindi pa man ako lubusan na nakakababa nang makarinig na ako ng isang malambing na boses. "Mikel, you’re back! Salamat naman at naisipan mo na umuwi na pagkatapos ng ilang linggo na pagtatago. I am so happy, anak." Napatulala ako sa babae na tumawag kay Mikel na anak. Napaka-sopistikada niya tingnan at parang napakabata pa upang maging ina ni Mikel. Hindi nalalayo ang awra niya sa mga mayayaman na ina na lagi na nang-aalipusta sa mga mahihirap na napapangasawa ng kanilang mga anak. Iyon din ba ang kahihinatnan ng buhay ko rito? Magiging mortal din ba kami na magkaaway ng biyenan ko? "Mom, I’m sorry. Kinailangan ko lang lumayo pansamantala upang makalimot." "Are you okay?" Nasa boses ng babae ang pag-aalala para sa anak. "I am more than okay, mom. I am in fact, feeling perfect." Matapos halikan ang ina sa noo ay umatras si Mikel upang muli ay balikan ako. Ipinulupot niya ang kan’yang braso sa aking beywang at hinapit ako papalapit sa kan’ya, tsaka nakangiti na humarap sa kan’yang ina na nakataas ang kilay sa aming dalawa. "Mom, meet Tamara, my wife." "What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD