HANGA din ako sa kung gaano kabait at ka-consistent si Yvan. Mabuti pa rin siyang kaibigan sa akin at kung paano niya ako tinatrato noong una ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Ilang beses ko na siyang sinaway pero napagod din ako. Apat na buwan na din buhat ng nagsabi ako sa kanya na hindi ako interesado. Pero hanggang ngayon, hindi pa din nagbabago. "Kaibigan ko lang 'yon, La." Natatawa kong sabi habang kumakain kami ng pananghalian sa araw ng Huwebes. "Mabait ang batang 'yon, Estancia. Kapag wala pa ako laging sinasamahan si Lota sa pag-aantay. Kung masama siyang lalaki una pa lang ginahasa niya na si Charlotte noong wala pa ako. Nakakausap ko 'yon, mabait talaga," sabi ni Lolo. Ngumuso ako habang sinusubuan ng pagkain si Mika. Nagtataka kasi si Lola kung sino iyong lalaking pumunta k