HINDI ko din siya napahinto sa gusto nitong gawin. Natapos ang pag-uusap namin na desidido siya na suyuin ako. Laman ng isip ko 'yan hanggang sa umuwi ako sa amin. Wala din akong nagawa kundi ang hayaan siyang sumunod sa akin sa pagsakay sa terminal. Ayoko naman sumakay sa sasakyan niya. Para ko ng sinabi na pumapayag na ko kapag ganoon. Makulit lang talaga siya. Naniniwala ako magsasawa din 'yan. Mas gigil si Sir Daxton na kulitin ako dahil alam niyang ayaw ko sa kanya. "Mama? Mama!" "Ano? Sigaw ka ng sigaw, Mika," reklamo ko. Sumimangot siya at pinakita ang doll niya sa akin. "Hindi mo na usap si Barbie ko," aniya. "Ay, sorry na. May iniisip si Mama, eh." Napakamot ako sa ulo. Nasa harap kami ng TV. Nakasalampak pa sa sahig habang naglalaro kami ni Mika kaya lang natulala ako sa ha