Vinneah's POV Si Carlax Manalo nga ang nakita kong naghihintay sa labas ng gate. Kausap niya ang isa sa guard dito at mukhang wala naman siyang ginagawang gulo. What does he need? Talagang lumipad pa siya ng Amerika patungo rito just to be here or just to see me? “Lax…” tawag ko sa atensyon niya. Mauubusan ako ng oras kapag hindi pa ako kumilos. Pauwi na ang kambal. Sana huwag silang mag-check ng CCTV footage sa cellphone nila para hindi mapauwi ng mabils. Knowing them, mas mabilis pa sa alas-kwatro na uuwi ang mga iyon kapag nakita nila si Lax sa CCTV. Pinagseselosan nila ito. Natatakot sila na baka maagaw daw niya ako kahit wala naman sipang dapat ipangamba dahil mahal na mahal ko sila. “Thank God, Vi. I thought I won't see you again,” tuwang-tuwa bulalas ni Lax nang makita niya ak

