Vinneah's POV Inaapoy ng lagnat ang kambal kong anak. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil wala ang aking mga asawa. Naroon sila sa abroad para sa business meeting. Ayaw ko naman silang abalahin dahil mapapauwi ang mga iyon ng wala sa oras. Iniisip ko rin na pagod sila at stress. Malayo ang biyahe lalo na at sa Turkey pa sila nagpunta kung saan ay venue ng kanilang business meeting. Ang malas pa dahil wala rin sina Daddy Zeke at Mommy Nayeli ngayon dito sa La Union. Nasa Davao sila dahil naimbitahan sila para maging panauhing pandangal sa isang event. Alangan na tawagan ko sila para ipaalam ang kalagayan ng kambal. Paano kung nasa kalagitnaan sila ng speech? Kaya naman wala akong nagawa kundi ang magpasama sa mayordoma sa pagpunta sa ospital kasama ang mga bodyguard na madalas kong kasama

