bc

Possessive 7- SECRETS (FREE)

book_age18+
15.0K
FOLLOW
39.4K
READ
others
second chance
manipulative
sweet
bxg
humorous
lighthearted
enimies to lovers
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ambisyosa at sipsip. Ganoon si Azul. Matayog ang mga pangarap niya sa buhay. She wanted to live in a mansion, own an expensive car, and marry a rich man. Kahit matanda, pagtitiisan na niya basta mayaman.

Pero nakilala niya si Gelier. Simpleng mekaniko. Handsome, tall, and sharp-featured. He was also mysterious and possessive.

Kailangan niyang mamili: puso o utak?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Napasiksik sa isang sulok ng masikip nilang barong-barong ang batang si Azul at pumapalahaw sa sakit. Halos mapudpod ang mga ngipin niya sa mariing pagkakalapat tuwing tumatama sa balat niya ang sinturon ng amang si Donato. Pilit niyang tinitiis at kinakaya ang sakit at hapdi, pinapatatag ang utak kahit bumibigay na ang maliit niyang katawan. Otso anyos lang siya, payat na payat, at mahina ang pangangatawan. Sabi ng mga taga-health center, mababa daw ang timbang niya para sa kanyang edad. Sa edad niyang otso ay nasa grade one palang din siya dahil wala silang sapat na pera panustos sa mga kakailanganin niya sa eskuwelahan. "Wala kang kuwentang bata ka! Palamunin ka na nga, hindi ka pa maasahan dito sa bahay!" sigaw nito, nanlilisik ang mga mata. Lasing ito at pinagmumura siya. Nagalit ito dahil hindi agad siya nakapagsaing, paano'y masama ang pakiramdam niya at kanina pa masakit ang kanyang ulo. "Donato, tama na iyan!" Nanlaki ang mga mata ng ina niyang si Estrella. Kakauwi lang nito mula sa pamamasura. Binitiwan nito ang hawak na sako at nilapitan agad siya saka mahigpit na niyakap, pinoprotektahan laban sa kanyang ama. Inihagis ni Donato ang sinturon sa isang tabi. "Lecheng buhay 'to! Pagsabihan mo iyang anak mo, ha! Lumalaking tamad!" Halos masira ang pinto nang itulak iyon pabukas ng lalaki. "Nanay, hindi ko po sinasadya. Masama po kasi ang pakiramdam ko," paliwanag niya nang makaalis na ang ama, hindi maampat ang pagbulwak ng masagang luha mula sa kanyang mga mata. Tumango ang ina at kinabig ang ulo niya pahilig sa dibdib nito. Naririnig niya ang malakas na tibok ng puso ni Estrella. Maya-maya ay humikbi ito, habang hagud-hagod ang likod niya. "Nanay, huwag na po kayong umiyak. Okay lang po--" Napangiwi siya nang biglang humapdi ang kanyang tiyan. Saka niya lang naalalang wala pa pala siyang kinakain mula kaninang umaga, at ngayon ay ala una na ng hapon. "Bakit, Azul?" "Masakit ang tiyan ko, 'Nay." "Nagugutom ka na ba, Anak? Halika." Lumapit sila sa maliit na mesa at binuksan nito ang kaserola. Walang laman. Dahil hindi siya nakapagsaing ay wala ring kanin. Bumuntong-hininga si Estrella at may kinuhang supot mula sa bulsa. "Mga tira-tirang manok. Nakita ko sa basurahan. May laman pa. Hugasan natin." Inilagay nito sa palanggana ang nakuhang manok at hinugasan. Sumilip siya at pinanood ang ina sa ginagawa nito. "Puwede nating iprito iyan, 'Nay." Ngumiti si Estrella. "Gusto mo ba ng pritong manok?" Tumango siya. "Opo!" Inignora na niya ang mga latay ng sinturon sa kanyang balat. Ayaw niyang mabahala ang nanay niya. Mahal na mahal niya ito. Mabait ang nanay niya. Nag-iisa lang siyang anak dahil nakitaan ito ng bukol sa matris at inoperahan. Hindi na ito maaaring magbuntis pa. Kumanta ang nanay niya. Mahilig kumanta si Estrella at maganda ang boses nito. Malamyos at parang tinig ng anghel. "Mahal na mahal kita, Nanay!" Yumakap siya sa baywang ng ina. Maya-maya ay pinaupo na siya ni Estrella. Nagsimula na siyang kumain. Tahimik lang na nakatitig sa kanya ang ina. Mukhang malungkot ito kahit na nakangiti. "Bakit po, 'Nay?" "Mahirap maging mahirap, Anak. Kita mo nga at hindi ka namin mabigyan ng maayos na buhay. Kahit ang pinapakain namin sa 'yo ay mula pa sa tira-tira ng ibang tao." "Okay lang naman po, Nanay! Parang lasang Jollibee naman po!" Alam niya ang Jollibee dahil palagi silang napapadaan doon. Sabi ng nanay niya kapag nagka-pera ito ay dadalhin siya doon, kakain sila, kahit ano raw ang gusto niya. Alam niyang malabong mangyari iyon pero nangako siya sa sarili niyang kapag malaki na siya, dadalhin niya ang nanay niya sa Jollibee. "Napakabuti mong bata, Anak. Pagpasensyahan mo sana ang Tatay mo, ha. Mainit lang ang ulo n'un dahil wala na naman kami ni singkong duling." Hinawakan ng ina ang kamay niya at pinisil iyon. "Basta ikaw, Anak, maging matalino ka, ha. Dapat makaahon ka sa kahirapan. Kahit ikaw man lang makatikim ng maginhawang buhay. Huwag kang pumares sa amin ng Tatay mo. Naiintindihan mo ba ako?" Ngumiti siya sa nanay niya para mapanatag ang kalooban nito. "Huwag kang mag-alala, Nanay, yayaman ako... yayaman tayo." Kahit sa murang edad ay itinanim na niya sa utak na yayaman siya... sila. Gagawin niya ang lahat para maiahon sa kahirapan ang pamilya niya. "Pangako, Nanay, yayaman tayo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.1K
bc

The Sex Web

read
134.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook