Linggo ng umaga ay maagang umalis si Jessica upang bumili ng mga gamot at gamit para sa kanilang first aid kit sa bahay. Pagdating niya sa botika, agad niyang ibinigay sa clerk ang listahan ng mga kailangan niya. Siya lang ang customer sa oras na yon, dahil linggo naman, at oras ng pagsisimba.
Habang hinihintay ang kanyang mga orders, may customer na dumating. Hindi siya tumingin sa gawi ng bagong dating. Pero ilang minuto din ang lumipas, hindi pa rin niya narinig na nag-order ito. Baka naman holdaper ang nasa tabi niya? Kinabahan tuloy siya dahil puro babae lang ang nasa botika, at hindi masyadong matao ang naturang lugar kapag linggo.
However, curiosity could really kill a cat. Nang tiningnan niya ang bagong dating, nanlaki ang kanyang mga mata. Because the man, who was lounging back against the nearby counter, arrogant and amused, watching her as if he knew exactly what was under her clothing was no other than her estranged husband, Samuel Velasquez.
Nagulat siya, pero sandali lang. In fact, natuwa pa nga siya. Blessing in disguise ang pagkikita nilang ito, dahil kailangan niya ang cooperation ng lalaki para sa pagproseso ng kanilang annulment.
"Good morning, dear wife. Long time no see," Samuel was mesmerized at his wife's exotic beauty. Last night, he decided that he should win her back, by hook or by crook. He promised to make her happy if given a second chance.
Kailan pa naging palabiro si Sam? He was always prim and proper. He looked hot and sizzling sa casual nitong suot na puting v-neck t-shirt, Levi's jeans at converse sneakers. Bakat ang matipuno nitong dibdib sa suot na t-shirt. Mayabang ang pagkangiti nito sa kanya. Oh, he knew that he was stimulating and it drove her mad that she couldn’t hide her admiration for him.
"Kanina, maganda ang morning, ngayon, pumangit na!" pagmamaldeta niyang sagot dito dahil hindi niya alam kung paano pigilan ang kanyang pusong kanina pa kumakabog sa tuwa at kilig. Afterall these years, kinikilig pa rin siya sa presensya ng lalaki. My goodness, she was no longer a schoolgirl! Kaya lang bigla niyang naisip na para siyang bitter sa kanyang naging sagot at pinilit ang sarili na ngumiti kay Sam. “Kumusta ka na pala?” Tinanong niya ang lalaki.
Hindi inasahan ni Sam ang biglang pagbabago sa mukha ng babae. Kanina ay para itong tigre na handing sumalakay ngunit bigla na lang itong naging maamo na parang tupa. Gumanti siya ng ngumit at sumagot ng, “Mabuti naman, ikaw?”
Bahagyang itinaas ni Jessica ang isa niyang kilay at sinubukang pakalmahin ang nag-alburuto niyang puso. Nakakahiya mang aminin, pero nae-excite pa din siya nang makaharap ito. Arghh, his charms were really incredible! Imagine, ilang taon na silang hindi nagkita pero kinilig pa din siya nang muling masilayan ang pagmumukha ng lalaki. “I’m doing great, thanks for asking.” Sabi ni Jessica.
"Touche!" He loved her spunk and he concluded that nothing has changed with Jessica except for her feminine charms. Being a mother suited her very well because she gained curves in the right places and it made him ache for her. Sort of, naglaway siya sa angking alindog ng babae.
Napansin ni Jessica na bumaba ang mga mata ni Sam papunta sa kanyang legs. Hindi na tuloy siya kumportable. Sam got on her nerves and then he stared at her...breasts? Bigla niyang pinagkrus ang mga braso sa dibdib at dinilatan ang lalaki. “Hoy, ano’ng tinitingnan mo?”Naging m******s na rin ba ito?
“Ang ganda mo ngayon,” sumagot si Sam.
“Alam ko, pero bakit hindi ka sa mukha ko nakatingin?” Pinatos na niya ang kamanyakan ni Sam dahil na-offend siya sa ginawa nito.
“Ha? Sa mukha naman kita tiningnan, eh. Ikaw lang naman itong madumi ang utak,” inakusahan ni Sam si Jessica at hindi ito ikinatuwa ng babae.
“Napakababoy mo pa rin, Sam!” Umusok ang kanyang ilong sa galit at hindi niya makakaya kung papatulan niya ang lalaki. “Excuse me, Miss. Matagal pa ba ang order ko?” Tinanong niya ang isa sa mga pharmacy attendants dahil gusto na niyang makaalis.
“Saglit lang po,” sabi ng attendant at tinawag nito ang kasamahan na nag-asikaso sa order ng babae.
“Baboy na may abs?” Nagtanong si Sam at bahagya niyang itinaas ang suot na t-shirt upang ipakita sa babae kung gaani ka-fit ang kanyang katawan.
“Ewww!” Napailing si Jessica at nag-iba ng tingin. Sakto namang dumating ang pharmacy attendant, at matapos makuha ang kanyang mga biniling gamot ay mabilis siyang naglakad patungo sa sasakyang nakaparada sa di kalayuan ng pharmacy. Nang makapasok sa loob, pinaandar niya ito at pinaharurot sa kalsada. Inakala siguro ni Sam na kapag magpakita ito ng abs ay mapapatawad na niya ito? Nunca!
Pagdating niya sa bahay, umusok pa din ang kanyang ilong sa inis. How dare him! What should I do? Pagkatapos ng ilang minutong pagtatalo ng kanyang isipan kung ano ang gagawin para makalimutan ang tagpo nila ni Sam kanina sa botika, nakapag-decide siyang bisitahin ang kaibigang si Jennifer Pepito.
“Anyare, bakit ganyan ang hitsura mo?” Kanina pa kasi napansin ni Francis na wala sa mood si Jessica pagkagaling sa pharmacy.
“Nagkita kami ni Sam,” sumagot si Jessica.
“O, tapos? Ano’ng sabi niya?” Nag-usisa si Francis.
Walang pagpilian si Jessica kundi ang ikwento sa lalaki ang buong kaganapan nang magtagpo ang kanilang landas ni Sam sa Pharmacy. “Ikaw, ano’ng gagawin mo kung ikaw ang nasa katayuan ko?” She referred to the scene when Sam showed off his hard muscles.
“Hmmm, siguro ay mapapa-sign of the cross ako bago ko siya yakapin ng mahigpit.” Sumagot si Francis.
“Ang landi mo talaga,” tumawa si Jessica sa naging sagot ni Francis. Siguro kung ginawa ni Sam ang kanyang ginawa kanina seven years ago, gagawin din ni Jessica ang sinabi ni Francis. Waley eh, sadyang patay na patay siya noon sa lalaki!
“I know right? But wait, paano kayo nagkita ni Sam sa pharmacy? Hindi ba at nasa Carmen ang bahay niya at nasa Mactan tayo, sis!” Nanlaki ang mga mata ni Francis nang maisip niya na nasa paligid lang ang lalaki at tahimik na nagmasid.
“Are you trying to tell me that he’s stalking on us?” Kinilabutan si Jessica na posibleng nakamasid lamang ang lalaki, at para siyang baliw na tinakbo ang mga bintana at siniguradong sarado ang lahat ng ‘yon pati na rin ang kanilang pintuan.
“Yes. Why not di ba? Kung sakaling namataan niya tayo sa airport pa lang or kung saan pa man, sa tingin mo ba ay palalampasin ng asawa mo na makipag-usap sayo?” Mungkahi ni Francis.
“Siguro ay nakatadhana kaming muling magkita upang ayusin ang annulment. Hayaan mo, next time na makita ko siyang muli, bibigyan ko siya ng calling card upang hindi na siya mahirapan pang puntahan ako.” Sabi ni Jessica. Pagod na siyang magtago. Ilang taon na din ang kanyang sinayang upang ma-satisfy ang kanyang kagustuhan na pahirapan sina Sam at Bettina. Wala na siyang pakialam kung magiging legal wife si Betting at siya ay magiging ex na lang.
“Wow, that’s the spirit!” Pumalakpak si Francis sa sinabi ni Jessica. “By the way, kanina pa nagtanong si Carter kung kailan raw niya makakausap ang kanyang ama.” Ni-remind ni Francis ang kaibigan tungkol sa pangako nito sa bata.
“s**t,” nagmura si Jessica sa narinig.