Hanggang tingin lang siya sa magandang alindog ni Jessica habang nag-enjoy ito sa pool kasama ang anak nito. Sa totoo lang, para na siyang stalker sa kanyang ginawa. Nakamasid lang siya habang sinasabayan ni Jessica sa paglangoy ang batang lalaki. Napansin niya sa di-kalayuan ang bruskong lalaki na siyang kasama ni Jessica noon sa isang restaurant. Uminit ang kanyang ulo at gusto niyang lapitan ito kaagad at suntukin. Kinain siya ng sobrang pagseselos kaya muntik na siyang hindi makapagpigil sa kanyang sarili. Papunta na siya bruskong lalaki nang makasalubong niya si Jennifer. “Jen!” Kumaway siya sa babae at nakita sa mukha nito ang pagkagulat. “Sam? Ano’ng ginagawa mo rito? Umuwi ka na, ayokong magpang-abot kayo ni Jessica rito.” Pinakiusapan ni Jennifer ang lalaki na umalis na lang a