Habang nagsaing ng kanin, sinimulan na din niyang haluin ang mga sangkap para sa paboritong pancake ni Carter. Kumuha din siya ng anim na itlog mula sa ref para gawing scrambled eggs. Perfect pair ang scrambled eggs sa pritong danggit tuwing umaga. Noon ay sunny side up ang hilig niya, pero nagbago na siya. Echus, joke lang. May mga panahon kasi na tamad siyang magluto pero kailangan dahil walang ibang gagawa. Hindi naman kasi maaasahan si Francis pagdating sa kusina. Kung hindi sunog ang kanin, hilaw naman ang ulam. At dahil hindi naman araw-araw na magkakasama silang lahat sa agahan, dinamihan niya ang kanyang mga inihandang pagkain. After one hour and thirty minutes, the breakfast nook was ready with fluffy scrambled eggs, pancakes, french toast, crispy hash browns, brown rice, fried d