Part 41 RYAN POV "Arwk!" ang pagduwal ko sa sink noong matapos kumain. Hindi ko naman alam na nakakalasing pala yung cocktail na binanatan ko kagabi, para lang itong strawberry juice na may cream sa ibabaw pero grabe pala talaga ang tama. Naadik pa naman akong inumin ito kagabi. Napasobra yata ako kaya heto grabe ang hang over ko. Hinimas himas ni Kian ang aking likuran, "babe, gusto mo ba magpahinga?" tanong niya. Tumingin ako sa orasan, "maganda na yung araw sa labas, yung hang over ay nawawala kapag pinapawisan tayo. Kaya maglakad tayo sa labas at kunin mo na ring yung panligo natin, ready tayo for Island hopping adventure," ang nakangiti kong sagot sa kanya. "Sure ka babe?" malambing na tanong ni Kian. "Oo naman, ayokong iruin ang vacation dahil lang sa katangahan ko kagabi," ang