Part 39 THIRD PERSON POV "Welcome to Sun Star Resort! Today is the grand opening of our humble business. Lahat kami ay nagagalak dahil nakarating kayong lahat sa espesyal na araw na ito. Ang business na ito ay imamanage ng aking anak na si Jed, soon, kapag siya ay may kakayahan ng humawak ng malalaking negosyo. At nais ko rin siyang mabitiin ng maligayang kaarawan. Sadyang napakabilis ng panahon. Ngayon ay 18 years old ka na anak, dati ay totoy ka lang uhugin pa, pero ngayon ay binata ka na. Gayon pa man, ikaw pa rin ang baby boy ni mommy okay?" ang wika ni Ellen. Tawanan ang mga tao. Nahiya naman si Jed at napabusangot dahil kinakantiyawan siya ng kanyang mga classmate. Nagpatuloy ang speech ni Ellen, sina Roxanne naman at Jerry ay may hawak na ribbon, "Hindi porket 18 years old ka na