Part 20 THIRD PERSON POV Nagsimula ang bagong buhay ni Jerry sa lungsod ng Baguio. Dito ay kasama niya ang kanyang kaibigang si Bert na naghanap ng trabaho. Kapwa sila nagsimula ang bagong buhay sa malayong siyudad at kapwa rin umaasa na sila ay susuwertehin. Si Bert ay halos kasing edad ni Jerry. Kabarkada niya ito doon sa kanilang compound. Minsan na niya itong isinama sa pagmomodelo pero wala hilig si Bert dito. Gustong gusto pa naman ng mga producer ang kanyang moreno at astiging balat at ang built ng kanyang katawan na payat ngunit bato bato ang katawan, machong pang korean ika nga. Sa taas na 5'7 ay halos marami talagang babae ang nahuhumaling dito. Sa paglipat ng dalawa sa bagong bayan ay ginawa ni Bert ang lahat para macontact ang kanyang mga kilala. Dito ay nagkaroon sila ng o