Part 22 THIRD PERSON POV Sa kasalukuyang buhay ni Jerry, noong iuwi siya Roxanne sa bahay nito ay talagang namangha siya dahil talagang parang mansion ito. Malawak, malaki ang bakuran at may 2nd floor pa. Dito ay binigyan siya ni Roxanne ng isang magandang silid na may sarili aircon at kagamitan. Binigyan pa siya ng maayos na posisyon sa kumpanya, mga bagay na hindi niya lubos mapaniwalaan dahil masyado itong maganda. Doon na rin siya tumira sa bahay ni Roxanne at unang pagkikita nila ni Ryan na anak nito ay inismidan agad siya. Sa kutob ni Jerry ay hindi siya gusto ni Ryan. Hindi rin niya ineexpect na matangkad din ang anak ni Roxanne, magandang lalaki, maputi at makinis ang kutis. Iyon nga lang ay agad pinaramdam nito na hindi siya gusto at hindi pabor na tumira siya dito sa bahay.