Part 25 THIRD PERSON POV "DOUBLE DATE" Araw ng Sabado, nag imbita si Nick ng double date. Masaya lamang ito dahil may boyfriend na rin sa wakas ang kaibigang si Ryan. At ngayon ay pareho na silang "in a relationship". Noong una ay parang ayaw ni Ryan dahil naiilang siyang makita si Jerome lalo't may "milagrong" naganap sa kanila noon. Ngunit dahil mapilit si Nick ay wala siyang nagawa kundi ang sumang ayon na rin. Double date lang naman ito at wala siyang balak na maulit ang kung anumang bagay kasama si Jerome. "Wala namang masama sa double date, saka wala namang pakialamanan doon diba?" wika ni Kian noong pinag usapan nila ito ni Ryan. "Wala naman, masyado lang gwapo ang boyfriend ko, baka mainggit lang si Nicky sa akin," ang hirit ni Ryan dahilan para matawa si Kian. "Ipagkakalandak