Part 11 THIRD PERSON POV Sa pagpapatuloy ng pagbabalik tanaw ni Jerry sa kanyang nakaraang buhay. Ang paglisan niya sa makinang na mundo ng pagmomodelo at pag aartista ay mahirap kalimutan. Gayon pa man ay kailangan niyang magkaroon ng bagong simula, yung mas maayos at mas matatag. Sa tulong ni Zoren at ng kanyang good looks ay nakapasok si Jerry sa isang malaking store ng sikat na brand ng damit bilang isang merchandiser o salesman. Ang kaibahan ngayon ng regular na trabaho ay ang regular na sweldo kada buwan. Hindi katulad noong raketero siya na halos dalawa o tatlong beses lamang siyang nagkakapera, kung minsan ay kaunti pa at maliit kaya't madaling nauubos. Noong magsimula ng trabaho si Jerry ay nakakilala siya ng mababait na empleyado kabilang na nga dito si Jude na pamilyadong ta