Part 14 THIRD PERSON POV Sa pagbubukas ng bagong araw ay mas lalo pang binalot ng kalungkutan ang buhay ni Jerry noong tuluyang mamaalam ang kanyang ama. Halos inabot din ito ng tatlong linggo sa ospital. Medyo malaki ang naging gastos pero sa tulong naman ng mga opisyal ng kanilang barangay at sa bayanihan ng mga ito ay nasolusyunan ang problema sa pinansyal. Syempre ay tumulong rin si Adwin kay Jerry, muli itong nagbigay ng suporta para sa binata. Wala naman ding pamimilian si Jerry kundi ang ituloy ang buhay. Pagkalibing ng ama ay bumalik siya sa trabaho bagamat bakas sa kanyang mukha ang labis na lungkot. Gayon pa man ay dapat siyang maging matatag, kailangan niyang ingatan ang ina dahil ito na lang ang natitira sa kanya. Isang hapon, habang nag aayos siya ng damit ng locker ay may