Chapter 73... "GIRL, KUMUSTA KA NA?" Isang umaga nang dalawin siya ulit ni Ria sa hospital. Apat araw na rin ang nakakalipas nang huli niyang makita si Thunder. Halos si Ria na lang ang dumadalaw sa kaniya dahil simula nang alukin ulit siya ni Thunder ng kasal hindi na muli ito nagpakita pa sa hospital. Ang kanilang anak naman na si Hen ay walang nababanggit tungkol sa ama nito at himalang hindi nito nababanggit sa twing magkausap sila sa hospital. Nagawa na rin niyang banggitin kay Ria ang alok ng asawa niya. "Okay naman na ako." "Nakausap ko na ang doctor na humahawak saiyo, puwede ka na daw umuwi." "Kahit nga kahapon, puwede na rin ako umuwe. Okay naman na 'ko, malakas na 'ko. Hindi ko nga alam kung bakit nagtatagal pa 'ko sa hospital na ito." saka lumunok laway. "Sinisigurado