Love is indeed unpredictable. Hindi mo malalaman kung kailan dadating ang para sa 'yo, at mas lalong hindi mo rin malalaman kung ang taong hawak mo ay mananatili ba, o bibitaw rin sa huli. At ang masaklap pa, hindi mo rin malalaman kung kailan ito bibigay at susuko pagdating ng araw.
Alam kong wala pa kami sa tamang edad ni Shin upang mangarap nang sabay para sa kinabukasan namin. Pero may edad bang basehan ang mangarap para sa aming dalawa? Wala naman, ah. So, ano’ng mali? O baka naman, kasi nga, hindi lahat ng pangarap ay matutupad. There's always something that others may achieve, but doesn't deserve to be granted to us. Siguro nga iyon ang rason.
But what Shin just told me wasn't understandable. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. All he said was it's not my fault, and it's not about our relationship and dreams either.
“So, ano nga ang dahilan, Shin? Bakit ganoon na lang ka hirap para sa ’yo ang ipaliwanag ang sitwasyon mo? Okay lang sana if personal problem mo. Pero kasama ako, Shin, eh! Hindi pu-pwedeng basta na lang “Catalina, I am sorry. But let's break up.” ganoon na lang!” Napakuyom ako ng kamao para pigilan ang sarili kong mapasigaw nang todo. Batid kong wala namang nakakapansin sa bangayan namin. Tahimik at wala namang masyadong katao-tao rito.
Nakayuko lang si Shin at walang emosyon ang mukha. Mapungay ang mga mata na halatang pagod.
Hindi ako kumurap at patuloy lang na tinitigan siya. Hinihintay ko ang kasagutan niya na mukhang wala naman yata siyang balak na sabihin.
Ngunit nang maglapat ang aming mga mata, napansin ko ang mga nangingilid niyang mga luha.
Umiiyak ba ito kani-kanina lang?
Muli siyang napayuko at napapikit. “I think I am no longer the Shin you loved, Catalina. At iyon din ang pakiramdam ko sa sarili ko. I no longer understand myself either,” nanginginig na boses niyang sabi.
Nag-angat siya ng tingin sa akin, bago nagpatuloy sa pagsasalita. “I am infatuated with Drae Haven. And I think I could not be with you while I am thinking about him all day long,” he said.
“It's cheating. I know,” he added.
Napaatras ako sa sinabi niya. Parang naipit ang lalamunan ko at hindi ako makahinga nang maayos. Hindi ako makapaniwala. They're just spending time together for almost three weeks! Hindi pa tapos ang first month of the school year. But he's already infatuated with that man—Drae Haven Garcia.
Alam kong iba nga ang charisma ng taong iyon. Kahit sinong babae, pwede niyang makuha sa isang kindat lang. Plus points pa ang talento nito at mala-anghel na mukha. Kahit matinong lalake pwede rin palang mabakla sa kaniya.
At kita mo? Kahit karibal ko na siya ngayon sa boyfriend ko, I am still complimenting him! Its because he is always too difficult to hate.
“Pero maayos tayo kahapon, ah. Nililibre mo pa nga ako, hinatid. Wala tayong problema kahapon, Shin. Why now? Kailan pa ’to?” sunod-sunod kong sabi. “And by the way, you said you were infatuated. It's only infatuation, Shin. Oo, alam kong mukhang naging close na nga kayo since the first day of the class. Madali kayong naging kaibigan this year, despite the fact that he was a loner last year. I can see Drae starting to get off his shell. Pero, Shin, mahigit two weeks pa lamang kayong magkasama—”
“Summer.” Pagputol niya sa mga sinasabi ko. “We've been together since our last summer vacation. It turned out that our relatives moved to the province where his grandparents live. Drae always visited there during summer vacation to spend time with his grandparents. When his grandmother died, he devoted his attention to his grandfather. We've been hanging out since his grandparents' house and my aunt's house were just a couple of meters away. We're neighbors there. Madalas kaming nagkita, namamasyal, at nag-uusap. There he also said he's bisexual. Naninibago pa ako sa lugar dahil bagong lipat lang ang aunty at uncle ko doon. Kaya siya ang nagsisilbing tour guide ko sa buong probinsya. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit close na kami nang makita mo kami, first day of the class. I thought there was no need to tell you this because it's not really that important. Until I realized, I was no longer worried na hindi na tayo madalas magkasama. Drae fills out our not-together days. Pero ayaw ko sa ideyang iyon. Kaya sinubukan kong bumawi sa ’yo kahapon. Pero mas lalo lang akong naguluhan nang mahagip ko sa aking paningin si Drae na nakatingin pala sa atin na nag-de-date. Pakiramdam ko nag-che-cheat ako sa kaniya. And while thinking about it, I also felt guilty for actually cheating on you. Nakakabaliw. I could not stand this. Ayaw kitang lokohin kaya habang maaga pa, I want to break up with you. To find myself, to refrain from hurting you too much, and to free ourselves for awhile,” mahabang paliwanag ni Shin.
“Alam ba niya ang tungkol sa atin? He acted natural awhile ago. But not until I kept on mentioning your name, asking where were you at that time.” Pinipigilan ko muna ang sarili kong bumigay. Alam kong kaunti na lang ay iiyak na ako.
Masama ang loob ko sa bahay since last night. Tapos ngayon din. Kaunti na lang ay magbebente quatro oras na rin pala akong walang kain. Kaunti na lang, makikita ko na ang liwanag na nag-aabang sa akin nito.
Tumango si Shin. Sapat na iyon para maintindihan ko ang lahat.
They've been together since last summer. At hindi lang basta simpleng pagkakaibigan ang nabuo sa kanila.
Tinalikuran ko na si Shin. “Thanks for being partially honest today, Shin. Pero hindi mo na kailangang sabihing infatuation lang ang nararamdaman mo, and also hiding the most delicate truth about your relationship. Why not stick to the point? Admit that you both love each other and have been lovers while we're still together. How about that, Shin?”
Muli ko siyang nilapatan ng tingin, at mapait na napangiti. “Sayang. Mag-i-isang taon at isang buwan na sana tayo bukas—exact date nang umamin ka sa akin. Alam kong nauna akong nagkaroon ng crush sa ’yo dati. Pero kahit pa man nagpapa-chansing ako sa ’yo noon, I never took the risk of confessing about my feelings kasi takot ako sa rejections, ayaw ko ring mapahiya. But it was you who broke our gap, Shin. At kakasabi mo lang kahapon na natatakot kang baka magsawa ako sa sitwasyon natin. Ikaw naman pala itong matagal nang nagsawa. Sana mas magtatagal kayo ni Drae. I wish you both the best. Aalis na ako. At saka, sana ay mahanap mo nga ang sarili mo. I appreciate the one year and one month of being with you too.” Iyon na ang mga huling katagang iniwan ko bago pa ako tuluyang maglakad palayo—pauwi.
Alam kong may mas masaklap pang love story ang iba kung ikumpara sa akin. Iyong iba nga ay doon pa nag-break sa mismong araw ng kasalan. Iba-iba nga talaga ang kuwento ng bawat isa. And this story happened to be mine.
Kung gawin ko lang itong novel itong story namin ni Shin, tiyak maraming magsasabing lame, at mas marami pa ang may mas masakit na karanasan.
In conclusion, there's no need to take these happenings too seriously. Hindi ako nag-iisa. Maraming mga pusong sawi riyan. Hindi lang ako.
But I hope my heart will cooperate with what my mind keeps telling me. Kasi kahit ganito ka-positive itong mga iniisip ko, panay naman ang pagpatak ng mga luha ko.
Yes, there's no need to take this seriously. Break up lang naman ito. Mas masakit parin ang hindi makaka-graduate! Pero kahit ganoon, it doesn't mean I have no right to cry in pain.
Nasasaktan ako, g*go. Kung pwede lang sanang mag-post ng mga ka-jejemonan ngayon sa social media, eh, kanina ko pa ginawa. Kaso baka pagsisihan ko lang din iyon pagdating ng araw.
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa aming gate. Open iyon at ganoon din ang aming pinto.
Out of curiosity, agad akong pumasok sa loob. Ngunit hindi pa man ako makaabot sa sala, bumungad na sa akin ang lalakeng tila boy version ng physical appearance ko.
And of course, basag lang ang puso ko, pero hindi pa ganoon ka lala ang utak ko. Hindi ako tanga para hindi kaagad malaman kung sino ang taong ito.
“Papa.” My voice cracked as I stated that word—first time acknowledging a person as my father.