CATALINA BLISS SILVINO Four months nang magkasintahan sina Drae at ng ex-boyfriend ko. Sa four months na iyon, sa second month of their relationship ko pa nalaman na mayroon na palang sila, habang may kami pa ni Shin noon. Pero sa four months ding iyon, hanggang third month lamang maayos ang relationship nilang dalawa. Dahil ang fourth month nila, sa akin na laging sumasama si Drae. Sa fourth month ng relationship nila, nabuo ni Drae ang isang plano na mas lalong gumulo at bumulabog sa buhay ko; ang tulungan siyang makipagkalas sa ex-boyfriend ko without offending him. Pero ang nangyari, parehas lamang nilang ino-offend ang mga sarili nila. At . . . pati ako sa sarili ko. Masiyado na yata akong makasarili sa sarili ko. Wala man lang akong time para mag-emote, mag-isip kung ano ang totoong