"Marcus, where have you been? I've missed you so much!" Walang pakialam si Alicia na naroon si Mr. Velasquez at nakatingin sa kanila ni Marcus. Nang malaman niyang nakabalik na ang lalaki sa farm, mabilis pa sa alas-kwatro na lumabas siya ng opisina, upang puntahan ang lalaki sa apartment nito. Hindi nakahuma si Marcus nang bigla siyang niyakap ni Alicia at sinunggaban ng halik sa labi. Siya na ang nahiya kay Samuel sa ginawa nito. "Tama na!" Pilit siyang kumawala mula sa mga yakap ng babae. "Galit ka ba sa akin? Normal lang naman na ma-miss kita dahil magkasintahan tayo. May mali ba sa ginawa ko?" Kararating lang ni Marcus pero parang hindi siya nito nakita. Totoo nga siguro ang sinabi ni Mr. Velasquez na magpapakasal ulit ito sa babaeng iyon. No, she wouldn’t allow it to happen! Alicia

