LETICIA VIDA "K-Krugen-" Hindi ko na napa-tapos ang sasabihin ko nang bigla n'ya akong hinila at binagsak sa pagkakahiga sa kama. Sa isang kisap lang ng mga mata, naka-patong na s'ya sa 'kin at padiin n'yang tinukod ang mga kamay sa magkabilang gilid ng aking ulo. Bilang ang mga mainit na hiningang nabubugahan ako sa mukha at nalanghap ko pa ang alak na nainom n'ya. Dumadagungdong ang dibdib ko at naka-tulala sa mga mata n'yang umaalingasaw ang matinding pagnanasa. His eyes can't lie that he wants to swallow me alive. Habang pigil hiningang naka-titig sa kan'ya, umugong sa mga tainga ko ang payo sa 'kin ni Madame Zaharina. I can feel that he's holding back. Pinipigilan ni Krugen ang sarili n'yang lapain ako pero marahan kong sinablay ang aking mga kamay sa batok n'ya at hinila