TBIW 5

1381 Words
LETICIA VIDA I didn't expect he would throw me in the water like a piece of object. I hurriedly swim back to the surface. Nang lumitaw ang ulo ko sa ibabaw ng tubig nitong swimming pool, naghabol ako ng hininga at sunod-sunod akong umubo. Naka-inom pa yata ako ng konting tubig sa lakas ng impact. Tinanaw ko agad si Krugen na naka-side view habang naka-harap sa mesa. Kalmado n’yang dinampot ang baso ng juice at ininom ang laman. “S-Sir Krugen... B-Bakit mo naman ako hinila?! B-Basang basa na tuloy ako! Wala akong pamalit!” Nilapag n’ya pabalik ang baso. Ni hindi man lang ako sinulyapan o kahit sagutin man lang. Kinuha n’ya lang ang tuwalyang naka-sablay sa isang bangko at pinunasan ang mukha bago tumalikod. Lumakad s’ya papuntang sliding door. Mariin kong kiniskis ang mga ngipin ko at marahas kong tinapik ang tubig. Habang naglalakad na s’ya sa living room, pinanliitan ko s’ya ng mga mata para matitigan ko ng malalim. Someday, I will coax you until I can put a collar around your neck while you are behaving like a dog. Kabaliktaran talaga sila ni Krujer. His twin was the one who approached me first. I didn’t have to flaunt my body to him just to get his attention. “M-Madame Leticia?! Anong nangyari bakit nand’yan kayo sa pool?!” Nagtatatakbo si Nadina nang makita ang sitwasyon ko. Tinulungan n’ya akong makaahon. Basang-basa talaga ako, pati panty ko. “Sumunod po kayo sa ‘kin para maka-ligo po kayo sa bathroom sa itaas...” Tinatahak na namin ang living room habang tumutulo ang tubig sa sahig galing sa suot ko. “Do you have an extra dress for me to wear?” “Naku, madame... Parang hindi yata kakasya sa ‘yo ang mga damit ko. 4’11 lang po ako at maliit lang ang katawan ko... Pansamantala, mag bathrobe lang po muna kayo. Lalabhan ko saka papatuyuin po ang dress pati underwear n’yo....” “That will do, thank you.” Hinatid n’ya na ako sa bathroom. Pinaliguan ko na agad ang sarili ko. Binigay ko sa kan’ya ang suot kong nabasa sa pool at bathrobe muna ang ginamit ko. “Ano kaya ang gagawin ko habang naghihintay?” Lumabas ako ng corridor ng restrooms nila. Kung saan-saan na ako napapadpad sa ikalawang palapag na ‘to. naliligaw na yata ako, hindi ko kasi alam kung ano ang daan pabalik pero ayos lang at hindi naman ako mawawala as long as hindi ako lalabas sa mans’yon na ‘to. Sa kahabaan ng aking paghahakbang, may nakita akong maid na lumabas galing sa isa sa mga pinto. May hawak s’yang feather duster. Hinintay ko muna s’yang mag-laho sa hallway na ‘to bago ako lumapit sa pintuan na ‘yon. May naririnig kasi akong parang may tumitiktik ng bato. “Under construction pa ba ang bahay na ‘to?” mahinang usal ko. Sa curiosity ko, dahan-dahan akong sumilip sa hamba ng pintuan at lumaki bigla ang mga mata ko. Akala ko may mga workers sa loob nitong silid pero si Krugen lang pala. Hindi ako naka-kurap habang tinititigan ko s’yang umuukit ng statwa. If I am not mistaken, that statue is made up of marble. Hindi lang isang statue ang nasilayan ko. Sa bawat sulok ng silid, may naka-helirang statwa na hugis tao. Not to mention every detail that looks so realistic. Puwede nang i-display ang mga obra sa museum. Ang kakaiba, hindi naman ganito kapulido ang mga nasilayan ko sa garden nila. And the amusing part is, he made all of these? What a talent. He can even carve the complicated parts of the human body. Pero may napansin pa ako. Bakit puro lalake lang ang mga binuo n’yang statwa? Wala akong ni isang babaeng nakita. The sculpture of those man statues represents masculinity and by just looking at it, I feel like I got intimidated. Ukit na ukit ang bawat maskulo, ugat-ugat at abs. Parang dedicated lang yata sa sarili n’ya itong mga inuukit n’ya. Ito tuloy, gusto kong kunin kahit isa para gawing souvinier pero napakaimposible naman yatang hingin o nakawin. “Come out where you are hiding, I can hear you breathing.” Halos mapaigtad ako sa gulat nang umecho ang malalim na boses ni Krugen. Napa-tayo agad ako ng tuwid at tinigil ko ang pag-hinga ko. “Stop peeking or else I will rip your eyes out of your skull.” Mariin akong lumunok ng laway na parang babara pa nga sa lalamunan ko. How long do I have to go through with this? He looks so damn ruthless as well as his personality. Sa kan’ya ko tuloy tinutok ang buo kong atens’yon. Naka-talikod pa rin s’ya habang naka-balandra sa paningin ko ang malapad n’yang likod. Wala pa rin tigil ang paguukit n’ya. "S-Sorry, Sir Krugen... I am not familiar to your mansion and... I... got... l-lost...” Bumagal ang pag-sabit ko nang nilingon n’ya ako. That aristocratic gaze of him that can make everyone bow at him. Para nga rin akong yuyuko pero ang tigas na ng leeg ko para gawin ‘yon. Sinalubong ko na lang ang mga mata n’ya kahit naninerbyos ako. “I-I didn’t mean to disturb your peace... Naka-bukas kasi itong pinto kaya sumilip ako saglit. Wala naman akong intens’yon na istorbohin kayo...” Binalik n’ya ang buong atens’yon sa paguukit. “Why are you still here?” tanong n'ya. “Tinatanong pa ba ‘yan? Sinabi ko na kaninang wala nga akong pamalit. Naligo tuloy ako wala sa oras... Aalis din ako kapag natapos na laban at ma-dryer ng isang maid ang mga kasuotan ko,” magalang kong tugon sa kan’ya. Matigas akong tumikhim. “By the way... maiba ako...” Nilunok ko ang aking kaba. “Are you the artist of this art?” “Who do you think would be? My neighbor?” mariing sabat n’ya. Ang sarkastiko ng tugon. “N-Naninigurado lang ako. Napakaganda kasi. Ngayon lang ako nakakita ng ganiyang klaseng obra na napa-tulala ako ng mahabang segundo. Parang hindi gawa ng isang tao.” I let out a nervous laugh. Pero nangunot ang noo ko nang mapansing natigilan s’ya. Napa-hinto kasi ang mga kamay n’ya sa pagtitiltil. “P-Puwede po bang... titigan sa malapitan ang mga obra mo?” Hindi n’ya ako sinagot. “Pero kung hindi, ayos lang. Sapat na sa ‘kin na masilayan kahit sa malayuan ang mga masterpiece mo.” “I will allow you but you are not allowed to touch anything.” Nanlaki ang mga mata ko. “T-Talaga?!” Patili kong usal pero imbes na sagutin ulit ako, pinagpatuloy n’ya na ang paguukit. Parang ayaw ko pang ihakbang ang mga paa ko papasok. Sumubok pa nga ako ng dalawang steps saka s’ya sinulyapan pero wala naman s’yang negatibong reaks’yon kaya dire-diretso na ang lakad ko! Not bad, ang smooth ng pagkadeliver ko ng mga salita. I think those flatteries moved him and he let me enter his working station. Nilapitan ko agad ang mga statwa at isa-isa kong tinitigan ang bawat parte ng katawan ng mga lalakeng obra n’ya. Sa totoo lang, halos kamukha n’ya talaga lahat. Iba-iba nga lang ang hairstyle at posisyon. My intrusive thoughts want me to touch especially the muscles and groin area but I don’t want to die. Hanggang tingin lang ako kahit na-t-tempt akong himasin. “Matanong ko lang po, bakit sarili n’yo lang ang inuukit n’yo? Hindi po ba kayo sumubok na mag-ukit ng babae?” “I tried but I didn’t like the results. A woman body is difficult to make.” “’E ‘di magpaturo na lang kayo sa mga expert.” “Hindi ko gustong dinidiktahan ako,” mariing usal n’ya. Ang taas naman ng pride. “Paano kayo matututo kung ayaw n’yo magpaturo at... anong klaseng statwang babae ang gusto n’yong buoin? ‘Yong naka-hubad din ba kagaya ng mga ‘to? Like Greek style? Kita déde, bakat ang n****e? Ganiyan kasi ang mga nakita ko sa mga napuntahan naming museum.” “If you want to make that kind of sculpture, you need a model.” Tumagingting ang pandinig ko at umilaw ang mga mata ko. “Bakit ngayon n’yo lang sinabi? Kung kailangan mo ng model, magsisimula na agad ako bukas!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD