LETICIA VIDA “Good night, honey...” Tumayo na s’ya pero nilapatan pa ako ng mabilis na halik sa tuktok ng ulo ko at umalis na sa harapan ko. Pinakinggan ko ang bawat yabag na nililikha ng kan’yang mga paa habang patungo s’ya roon sa living area. Parang hindi ko na yata nararamdaman ang pananakit ng likod ko, wala nang rason para ihiga ko pa sa kama. “I-I will take a bath now...” Nag madali akong bumaba at dire-diretso akong nag-lakad papasok ng bathroom. Doon ko agad nasilayan ang bath tub at kagaya ng kan’yang sinabi, may laman nang tubig. Isa-isa kong hinubad ang saplot ko sabay lumusong. Napa-hinga ako ng malalim nang maramdaman ang panunuot ng maligamgam na tubig sa balat ko. Sumandal na ako sa kabilang dulo ng tub. Pero dapat yatang mag-cold shower na lang ako ngayon dahil hindi