LETICIA VIDA ANG huli kong maalala, ay ‘yong binuhat na ako ng mga tauhan ni Krugen at hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari pero paggising ko, ang hindi pamilyar na kisame ang bumungad sa paningin ko. Maging ang buong kuwarto. Whatever this unfamiliar place again, I don't like being here. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga sa malambot na kama habang napapahawak sa ulo ko. Med’yo nahilo ako. Ang walang hiyang Krugen, may halong kung anong gamot ang iced coffee na pinapuswit n’ya sa bunganga ko. Hindi muna ako gumalaw sa kama. Hinintay ko munang umayos ang paningin ko bago ako bumaba at dahan-dahang lumakad patungo sa naka-saradong pinto. Nang sinubukan kong paikutin ang door knob, hindi ko mabuksan at hindi ko matulak. Doon ako dumiretso sa sliding door.