LETICIA VIDA PAUTAL-UTAL na lumabas ang aking hininga sa bunganga nang dahil sa ginawa ni Krugen at bumuga naman s’ya ng malakas na hangin na buhat ng pagkaurat. Iniwas ko na lang ang tingin ko nang maramdaman kong uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko. Nilunok ko ang naka-bara sa aking lalamunan para makapagsalita. “Mag... magpapahatid na lang ulit ako ng breakfast mo.” Doon ako tumayo sa pagkakaupo at lumabas ng office n’ya. Ilang beses akong huminga ng malalim bago tumugo sa kusina at sinabihan ko ulit ang mga chef na ipagluto si Krugen ng agahan. Dumiretso na ako sa kuwarto ko. Hindi na ako nakakain, wala akong gana at hindi ko na uulitin na subuan s’ya dahil masasayang lang ang pagkain. Kinulong ko na lang ang sarili ko sa kuwarto ko hanggang sa kinatok ako ng maid para