LETICIA VIDA “Miss! What are you doing out here?! Miss!” Nangunot ang noo ko habang umuugong ang malakas na sigaw na ‘yon sa mga tainga ko. “I will call a help!” Tumakbo palayo ang lalake. Dahan-dahan ko namang inangat ang namimigat kong mga talukap at unti-unting luminaw ang aking paningin. Bumulaga sa ‘kin ang maliwanag na kalangitan habang nasa ilalim ako ng hamugan. Nang maalala ko ang mga nangyari kagabi, napa-balikwas ako sa pagkakabangon at ngayon ko lang namalayang naka-higa pala ako sa rough tiles! “S-Saan si Krugen?!” Isa-isa kong binalingan ng tingin ang paligid pero hindi ko s’ya nahagilap. ‘Wag mong sabihing... “That heartless bàstard...” Dahan-dahan kong pinaangat ang aking kaliwang nanginginig na kamao at hindi ko napigilang isuntok sa rough tiles! Ang walang hiya,