HABANG out of the country si Gianne para hanapin at kausapin ang kapatid na si Marcus ay naging busy si JM sa pagpaplano ng gaganaping muling kasal nila. Kaya naman ang ina niyang si Trisha ay nag-stay muna sa bahay nila para may makasama ang mga anak. Kahit wala pa ring kaalam-alam ang dating asawa ay patuloy ang ginawa niyang paghahanda. Ang tanging hiling niya ay huwag sana munang magkita ang magkapatid. Sapagkat nakasisiguro siyang si Marcus na naman ang pipiliin ni Gianne. Pero nasa kanya ang alas—ang dalawang bata—kaya naman kumpiyansa siya sa sarili. “Sigurado ka ba diyan sa ginagawa mo, JM?” seryosong tanong ng ina sa kanya. Makikita sa mukha nito na nag-aalala at hindi naman niya masisisi kung bakit ganun ang iniisip nito. Dahil iyon sa ilang beses na pagpapakasal nila pagkatapos