KANINA pa nakikita ni Harry na nakatingin sa kanya si Marlo, pero maraming tao kaya marahil hindi nito magawang lumapit sa kanya. Kaya ang ginawa niya ay siya ang gumawa ng paraan upang malapitan si Marlo. “Ano ang nais mong sabihin sa akin sapagkat kanina ko pa napapansin ang kakaiba mong sulyap.” “Naririto si Ms. Sovella, kasama si Mr. Ernest, mukhang may business silang pinag-uusapan. At ang nakakapagtaka bakit kasama nila si Hepe, ang inaalala ko baka madulas ang dila niya na hindi ka naman talaga nakulong at hindi din umabot ng anim na taon o higit pa sa kulungan si Dennis. Ang alam ni Ms. Sovella, anim na taon kang nakulong at sa mga panahon nayon muntik ka ng namatay.” “Nasaan sila ngayon?” “Naroon sa pool side, halika sasamahan kita doon. Baka kapag nakita ka ni Hepe ay maalal