HABANG nagda-drive si Gianne ay naipit siya sa traffic, kaya naman nang makakita ng maaaring likuan ay ginawa niya iyon. Medyo traffic din doon pero umuusad naman ang mga sasakyan. Ngunit agad huminto ang mga sasakyan nang mag palit ang stop light. Naka-red light na kaya’t napilitan din siyang huminto saka sumandal sa upuan. Matagal magpakit ang ilaw at nakaramdam siya ng pagkainip. Kaya tumingin na muna sa labas ng binta. At para siyang nakakita ng multo nang paglingon niya sa kabilang side ay mukha ng dating asawa ang bumungad sa paningin niya. Nakatingin din ito sa kanya at ang dibdib niya ay tila tinatambol sa lakas ng pintig. Bumusina ang mga sasakyan nang mag-green light na at hindi pa rin siya umaandar, kaya bumalik sa realidad ang kanyang isipan. Agad niyang pinaharurot ang kanya