ALAM ni JM na darating ngayon ang kanyang dating asawa na si Gianne. Ang hindi niya alam ay kung anong oras iyon. Hindi naman binanggit ng spy nila kung saan ito dadaan na paliparan. Hindi pa rin niya maiwasang kabahan lalo at hindi pa sila in good terms silang dalawa. Alam niya na umiiwas ito sa kanya, pero dahil ginagamitan niya ng kaunting dahas at pamumuwersa ay hindi ito makatutol. Hindi nga niya alam kung mahal pa siya ni Gianne. Sa kama napaliligaya niya ito at napasusunod sa mga gusto niya, pero after that, ibang Gianne na ito— malamig ang pakikitungo sa kanya. Hindi din lingid sa kanya na pinipilit nitong lagyan ng pader ang pagitan nila. Gano’n pa man ay hindi siya susuko hangga’t hindi tuluyang bumabalik sa piling niya ang babaeng minamahal. Gagawin niya ang lahat para mabuo