Chapter- 3

1510 Words
GINAMIT ni Marcus ang kanyang connection. Matapos masigurong safe ang mag-ina sa pinagdalhan niyang lugar ay binayaran din niya ang mga nurse at ilang doktor para manatiling sekreto ang lahat. Malakas ang kanyang pakiramdam na hindi mabuti ang kalagayan ng babaeng tinutulungan niya sa asawa nito. Ayon sa CCTV footage na ipinadala ng kanyang tauhan ay nahuli nito ang asawa na may ibang babaeng kasama sa loob pa mismo ng pag-aari niyang apartment building na naging sanhi ng pagbi-bleeding nito. Matapos makapagbilin sa dalawang babae na magiging kasama ng mag-ina ay aalis na sana siya nang mag-ring ang kanyang cell phone. Nakita niya sa linya ang pangalan ng isa sa mga tauhan niya doon sa building apartment. “Yes. Hello?” “Sir, pinaghahanap na ng mga Montemayor ang mag-ina. Kagagaling lang nila ng ospital,” nagmamadaling sambit ng kausap niya sa telepono. “Siguraduhin mong mananatiling sekreto at walang magsasalita sa mga staff ng ospital,” paalala ni Marcus sa kausap. “Yes, boss. Ako na ang bahala dito at babalitaan na lang kita,” tugon pa nito. “Good.” Sabay cut ni Marcus ng linya. Nilingon ni Marcus ang tulog na babae. Ang sabi ng doktor nito ay anytime magigising na ito. Marcus is the grandson of the rich Ortega family. Naririto siya sa Pilipinas dahil sa kagustuhan ng namayapa niyang lolo sa side ng kanyang ama. Hindi masyadong malinaw ang mga sinabi ng abuelo bago ito namatay. Basta ang alam lang niya ay may kapatid siya sa Pilipinas. Ayon sa pa kanyang lolo ay nakabuntis ang kanyang ama ng isang magandang modelo. At nang ipinanganak ang kapatid ay pinalabas na namatay ito upang itago sa publiko. Sapagkat malaking kahihiyan iyon sa angkan ng mga Ortega. Ayon pa sa abuelo, dinala ng kanyang ama sa Europe ang kapatid ngunit nalaman ito ng kanyang ina at pinagtangkaan iyong ipapatay. Kaya napilitan ang kanyang ama na ibalik ang anak sa bansang Pilipinas at ipagkatiwala sa isang may-edad na babae. Three years ago ay nalaman niyang sa squatter’s area nakatira ang kapatid sa ama at doon na rin nagdalaga. Nang pupuntahan na niya ito ay bigla naman siyang nagkaroon ng emergency call na kailangang magtungo agad siya sa bansang England. Kaya nawalan siya ng oras na balikan ang kapatid. Hanggang lumipas ang mga taon na hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makabalik pa ng Pilipinas Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay may nakarating sa kanyang balita tungkol sa kapatid, kaya naman nagpasya siyang lumipad agad pabalik sa Pilipinas at muling pinuntahan ito subalit wala na ito roon. Ang sabi sa kanya ay may lalaki raw na sumundo rito at buntis na pala ang kanyang kapatid. Magmula no’ng araw na iyon ay hindi na niya nalaman kung saan nakatira ang kapatid pero hindi siya tumigil sa paghahanap. Until one day, may babaeng buntis siyang nakita na nakahandusay sa loob ng elevator na agad naman niyang tinulungan. Malakas ang pakiramdam niya na may connection sila nito. Nakaramdam siya ng lukso ng dugo nang magdikit ang kanilang balat, kaya naman agad siyang nag-request ng DNA test sa pagbabakasakali na ito ang kanyang hinahanap na kapatid. One week later, lumabas na ang DNA result. Laking gulat ni Marcus nang mapatunayan niyang ito na nga ang matagal na niyang hinahanap. At sa mga oras din na yon ay nakabuo siya ng pagpapasya. Sisiguraduhin niyang ilalayo niya ang mag-ina sa asawa nito at sa buong Montemayor. Wala siyang pakialam kung ano ang kahinatnan ng lahat. Basta masiguro lang niya na ligtas at maayos ang mag-ina. “Ugh . . .” Bumalik siya sa realidad nang marinig ang daing ng babae. Lalong lumakas ang ungol nito na tila nahihirapan. Mabilis siyang lumapit dito at inalalayan itong makaupo. Nilagyan pa niya ng unan ang bandang likuran nito para maging komportable sa pagkakasandal sa headboard ng kama. “W-Who are you? Nasaan ako? A-Ang anak ko?” agad na nagpanic ito at tumulo na ang luha na ikinaalarma naman ni Marcus. “Sshh . . . Relax, miss. Narito ka sa bahay bakasyunan ko. Don’t worry, wala nang makakapanakit sa inyo dito.” Naguguluhan man si Gianne ay nanahimik na lang siya. “S-Salamat ho, p-pero bakit ako naririto? S-Sino ho kayo?” may pag-alaalang tanong niya sa matangkad na lalaki. “Sa ngayon, hindi ko pa masasabi sa ’yo, pero please wait kahit five days lang. May gusto lang akong masigurado at saka ko sasabihin sa ’yo ang lahat. Basta sa ngayon, ang masasabi ko lang ay safe kayong mag-ina dito.” “Maraming salamat, mister.” “Marcus ang pangalan ko. Sige, maiwan na muna kita. Kung may mga kailangan ka ay sabihin mo lang sa mga kasama mo dito.” “Salamat.” tipid na sagot niya sa lalaki. Nang wala na ito ay narinig niya ang pag-iyak ng anak. Kahit nahihirapan ay pinilit niyang tumayo. Maingat ang bawat galaw niya habang yumuyuko para kunin ang anak na nasa loob ng crib. “Ma’am, kami na ho ang bahala sa bata, hindi ka pa magaling. Baka po mabinat ka, bawal ka pa pong magbuhat.” “S-Salamat,” tipid na sagot niya sa isang babae. Nakuntento na lang siya sa pagmamasid habang busy sa ginagawa ang babae. Napangiti pa siya nang makita na malakas dumede ang anak sa feeding bottle nito. “Ma’am, gusto n’yo po bang maligo? Naririto ho ako para may umalalay sa ’yo.” “S-Sige, salamat.” “Neneng ho ang pangalan ko.” Nakangiti ito sa kanya. Habang naliligo ay nagtanong siya tungkol sa lalaking amo ng mga ito. “Yes, mabait ho talaga si Boss. Sa pagkakaalam namin, naririto siya sa Pilipinas dahil sa nawawala niyang kapatid. Saka sabi ni Sir ay gusto daw niya ang klima rito kumpara doon sa lugar nila, kaya nagtayo siya ng mga negosyo dito.” “Gano’n ba?” “Yes po, ma’am.” *** SAMANTALA sa Montemayor mansion ay walang ginawa si JM kundi ang umuwing lasing. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang kanyang asawa at ang nakapagpapasakit ng kanyang loob ay kung sino ang lalaking may buhat sa asawa niya. Hindi man lang niya namukhaan iyon dahil mabilis iyong nakasakay sa ambulansiya. Nakita niya ang lalaki sa CCTV camera sa hospital na pinagdalhan sa asawa ngunit halos lahat ng kuha rito ay nakatalikod ito. Lalong nag-init ang kanyang ulo nang maalala ang may-ari ng building. Napaisip siya kung bakit ayaw ipakita sa kanya ang CCTV footages doon. The next day ay hindi niya namalayang hapon na pala. Gusto na rin magalit ni JM sa kuya niyang si Charles dahil hindi pa rin ito umaalis ng mansiyon. Hindi tuloy maiwasang magkita sila ni Yza. Lihim siyang napapamura dahil parang nananadya na ipakita sa kanya ang pagsasama ng dalawa. Sumandal siya at nag-isip kung paano maiiwasan ang dati niyang asawa. Siguro dapat doon na muna siya sa penthouse tumira. Mas makabubuti sa kanya na tuluyang hindi na niya ito makita pa. Kaya agad siyang nag-impake ng mga gamit at pagkatapos ay nagmamadaling umalis. Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin mawala sa sistema niya ang pagkikitang muli nila ni Yza kaya minabuti niyang uminom na lang ng alak upang kahit paano ay makalimutan niya ito. Sa araw-araw ay alak ang kasama niya dahil hanggang ngayon ay walang makapagsabi sa kanya kung nasaan na ang kanyang asawa. Subalit wala naman siyang magawa. Kahit umiyak man siya sa pagsisisi ay hindi na niya ito maibabalik pa. Halos mag-iisang buwan na mula nang mangyari ang lahat. Lasing na lasing na siya nang marinig ang malakas na pag-doorbell. Pasuray-suray siyang nagtungo sa pinto at binuksan iyon. “W-Wife!” Hindi niya inaasahan na naroon ang kanyang asawa. Pumasok si Gianne na parang walang nakikita at tumuloy sa mahabang sofa habang nakasunod naman si JM. “Naririto ako para tapusin na ang ating relasyon. Ipauubaya na kita sa babaeng mahal mo. Mula ngayon, kalimutan mo na ako.” “Iyon ba talaga ang gusto mo?” nabuhay na naman ang galit ni JM, lalo pa at bigla na lang nag-iba ang trato ng asawa sa kaniya. Sino ba ang pinagmamalaki nito yung lalaking tumulong dito? “Dahil wala namang patutunguhan ang pagsasama nating ito. Ayaw kong makisama sa iyo na ibang babae ang nasa puso at isipan mo.” “Kung gano’n ay wala akong magagawa. Iyan ang desisyon mo kaya igagalang ko. Ngunit tandaan mo ito, once na umalis ka ay hinding-hindi ka na makakabalik pa sa buhay ko!” matigas na pananalita niya sa asawang nakatalikod. Ang akala niya ay babalik ito sa upuan ngunit mabilis nitong tinungo ang pinto at nagmamadaling lumabas. Samantala ay pigil na pigil ni Gianne ang mapahagulgol ng iyak. Hindi dapat makita ni JM na umiiyak at nasasaktan siya. “Goodbye, JM. Gagawin ko ito para maging maligaya ka at tuluyang maging masaya. Ang hirap at ang sakit ng ginawa niyang desisyon. Pero yon ang alam niyang tama. I-I love you and goodbye,” bulong niya, ngunit ang hindi niya alam ay malinaw iyong narinig ng asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD