NANINIBAGO si Sovella, kay Harry. Simula nang dumating sila sa El Island de Paradise. Laging tahimik ito at may distansya sa kanya. Pagdating naman sa anak nila na si Lotus, masaya ang dalawa. Nagtataka siya dahil bago sila tumungo sa lugar na yon, sweet sa kanya si Harry. Kaya napapaisip siya ngayon nagsimula lang ito sa malamig na pakikitungo sa kanya nang mag landed sila sa isla na ito. Hindi kaya paraan ito nang paghihiganti na noon pa naka plano? Baka kaya dinala siya nito dito sa lugar na ito upang isakatuparan masamang balak laban sa kanya? Sa isipin na yon ang dibdib niya ay unti-unting bumilis ang pintig. Nararamdaman na rin niya ang takot at pangamba. Lalo pa at kapag sinusulyapan niya si Harry, agad itong umiiwas ng tingin sa kanya. Bakit hindi niya iyon naisip bago pa sila s