NANG malingunan ang chairman ay namutla sa takot si Sovella, sigurado narinig nito ang mga pinagsasabi niya sa kausap. Naka loudspeaker pa naman ang cellphone niya kaya wala siyang katwiran. Samantala kuyom ang kamao ni Harry sa narinig, at sa halip na tawagin ito ay tinalikuran na lang at tuluyang umalis. Ang dibdib niya ay nag-aalab sa galit hanggang ngayon pala masama pa rin ang balak ng ex-wife sa kanya. Ang hindi niya matanggap bakit ayaw siyang tigilan ng babaeng ito at ng kausap nito. Nakakasiguro siyang ang ina nito ang laging tumatawag dito. Bumalik na lang siya sa loob ng opisina at humiga sa mahabang sofa. Pinag-iisipan mabuti kung ano ang dapat gawin kay Sovella, tanggalin ba niya ito sa trabaho? “Boss H, heto ang inutos mo nahanap ko na kung nasaan ang anak nyo.” “Kung gan