CHAPTER 31 Tulala si Eon sa mukha ng asawang nakahiga sa stretcher. Hindi sya nakatiis kaya lumapit sya at hinawakan ang kamay nito habang ito ay nakatulala. Nakakabit ang swero nito sa kamay. Wala na itong oxygen, tinanggal na kanina. She's cold. Nananamlay ang kamay ni Bella at hindi magawang gumanti ng hawak pabalik sa kanya. Nakapilig ang ulo nito malayo sa direksyon ng mukha niya pero nakikita niya ang mga luha nito na umaagos sa gilid ng matangos na ilong. She's really still so beautiful even when crying. And he can't stop himself from falling for her more. Demmit! He's just so really crazy over her but her silence breaks his heart. Parang pinupukpok at dinudurog ng pino ang puso niya sa katahimikan nito na kanina lang ay napakasigla. Wala itong tigil sa pagbusiklat ng luma