CHAPTER 35 Biglang nanginig ang kamay ni Bella nang marinig ang pag-ring ng telepono sa kabilang linya. Akala niya ay hindi pa niya makokontak ang kaisa-isang tao na tatayo laban kay Anica, kung sakali man. May alam kaya ito na nakasuplong ito sa mga pulis? Tumalon pa ang puso niya nang marinig ang boses ni Harvey sa kabilang linya. Pagtalon iyon para sa buhay na pag-asa at hindi sa kung anong dahilan. "Hello?” Harvey formally asked. "Harvey!" napapikit pa sya sa sobrang excitement. "Issa? Is that you Issa?" kakagad din na tanong nito sa kabilang linya. Ramdam niyang excited din ang lalaki. "Yes. Harvey please help me. Alam ko wala akong karapatan na humingi ng tulong pero alam ko di mo ako tatanggihan pero ayoko na may hihingin ka sa akin ng kapalit ha. Wala akong maibibigay s