CHAPTER 38 When Bella stopped kissing him, Eon was feeling thankful and loved. Halos hindi sya makaapuhap ng tamang salita na sasabihin sa babaeng mahal niya ngayon… no, mahal na mahal niya. Pakiramdam niya ay walang sapat na salita ang pwedeng tumumbas sa kabutihan nito at sa pagiging napakamapagmahal na tao. Kung hihingi na naman sya ng tawad, sapat ba? "No words can express how deeply sorry I am Bella." tanging nasambit niya habang nakatingin sya sa mga mata nito. Halos di niya magawang hawakan ang bawyang nito dahil parang kinain na naman sya ng sistema. Hiyang-hiya sya sa puro kagaspangan ng ugaling ipinakita niya sa babaeng simula ng bumalik sya at nakita niyang nakatalikod palabas ng pintuan sa mansyon niya, ay tiyak na niyang sobrang ganda. At nang humarap ay hindi nga si