PART 2

1097 Words
"'Andito na po tayo, Ma'am!" Ang boses na nagpagising kay Nica sa mahimbing niyang pagkakatulog. Nag-inat siya, nag-stretching at tumingin-tingin sa paligid. At oo nga nakatigil na ang bus na sinakyan niya. Tiningnan niya ang oras sa pambisig niyang relo. Pasado alas otso palang ng gabi. Mabilis siguro ang naging byahe nila kaya 'yung inakala niyang alas nuebe na dating niya, eh, napaaga. Kinuha na niya ang backack niya. Siya na lang pala ang tao sa loob ng bus. Nagsibabaan na ang lahat. Pero teka lang! Natigil siya sa paghakbang. Nanlamig kasi ang kanyang pakiramdam. Hindi ba't may gumising sa kanya kanina? Unti-unti siyang lumingon sa kanyang inupuan. Wala namang tao. Saglit lang ay napabuntong-hininga siya. Guni-guni na naman siguro. Mas mabilis na ang ginawa niyang paglabas sa bus. At nang makita niya ang kundoktor ng bus na nag-aasikaso sa mga ibang pasahero ay inisip niyang ito ang gumising sa kanya kanina. Napanatag ang kanyang loob. Kinuha na niya ang cell phone niya sa bulsa at tinext na ang pinsan niya. "Ano, P're?! Kumusta ang kaso ng konduktor mo? Grabe pala ang nangyari ro'n, noh?" "Oo nga, Pare." Hindi sinasadyang nadinig niya na usapan ng dalawang driver yata. At ewan niya bakit nagka-interes siya sa pinag-uusapan na iyon ng dalawang lalaki. Pero saglit ay naisip niya na mali 'yon, ang makinig sa usapan ng may usapan lalo na't hindi niya ito mga kilala kaya tinuloy na lang niya ang pagte-text sa kanyang pinsan. "Sana naman mahuli na ang may kagagawan. Grabe naman at sa ulo pa binaril. Tsk!" Iiling-iling pa ang lalaki. 'Di pa rin maiwasan na tumingin siya sa nag-uusap. Hindi na nakasagot ang lalaking kausap ng lalaki kasi napatingin ito sa kanya. Nakaramdam siya ng hiya. Iniwas niya ang tingin. Napagkamalan pa yata siyang tsismosa. Tss! Nagte-text lang po! aniya sa isip na napapangiti. Lakas naman kasi ng mga boses, eh. Pumihit siya sa pagkakatayo. Tinalikuran niya ang mga ito at medyo lumayo konti. Pero laking gulat niya nang may maaninag siya sa loob ng bus na sinakyan niya kanina. Lalaki ba 'yon? Naningkit ang mga mata niya sa pagtitig. "Eiiihhhh!" At hindi nagtagal ay tili niya ng malakas nang makita niya ng malinaw ang hitsura ng lalaki. "Miss, bakit?" Alalay naman agad sa kanya ng dalawang driver na nag-uusap. Naitakip niya sa kanyang mga mata ang kanyang dalawang palad. "Miss, ano'ng nangyari sa'yo?" Narinig niyang tanong ulit sa kanya. 'Di siya sumagot. Sabi kasi ng Papa niya kahit ano'ng makita niya ay hindi niya ipagsasabi para hindi siya magmukhang luka-luka o baliw. Dahan-dahan na lang niyang inalis ang mga kamay niya sa kanyang mga mata at tumingin ulit sa lalaking nasa loob ng bus. Natakot siya at napatili kanina dahil duguan ang lalaki, duguan ang noo nito! Butas! Hindi na niya nahagilap pa ng tingin ang nakakatakot na lalaki dahil wala na ang lalaki sa bus. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ulit sa kanya. Tumango na siya bilang tugon. "Opo. Sorry po," paumanhin niyang sabi sabay lingon sa mga taong nakiusyoso. Subalit nanlaki ang kanyang mga mata nang masilayan niya ang lalaking butas ang noo at duguan sa likuran ng mga tao! Shit! Napaatras siya sa gulat. Sa isang iglap kasi ay nasa harapan na niya ang lalaki. Lalaki na multo nga! Magkalapit na magkalapit ang mukha nila. Nanigas ang katawan niya sa takot. Tumaas-baba ang kanyang paghinga. Jusko! "A-ano'ng ka-ka-kailangan mo?" dikawasa'y lakas-loob niya na tanong. Hindi niya inalintanan ang dugong pumapatak sa kanyang mukha mula sa noo na butas ng lalaki. Nakakadiri rin iyon dahil halos kita na ang utak nito sa ulo. Lalong sumidhi ang nararamdamang takot niya nang hinawakan ng lalaki ang magkabila niyang braso. Nag-iwas siya ng tingin at napapikit ng mariin. Naramdaman niya ang unti-unting tila pwersang humihigop sa pagkatao niya. 'Yung pakiramdam na naman niya na may gustong sabihin sa kanya ang multo pero dahil ayaw niyang magpasakop dito ay hindi niya marinig. Kaya nagiging pwersa na lamang iyon. At pagmulat niya sa kanyang mata, wala na ang lalaki. Thank God. Pero bakit dumilim na ang paligid? At nasa loob na naman siya ng bus! Ano'ng nangyayari?! 'Zzzzzzzzzz' -Hilik ng isang lalaking tulog ang nadinig niya. Tumingin siya sa bandang iyon na naguguluhan. Isang lalaki nga ang nakita niya at naitakip niya ang kanyang isang palad sa bunganga niya nang makilala niya kung sino ang lalaking natutulog. 'Yung lalaking butas ang noo kanina! 'Yung multo! Waaaahh! Gusto niyang tumakbo pero hindi niya maikilos ang kanyang mga paa. Para na iyong naisemento! Mayamaya ay gumalaw konti ang sasakyan. May lalaking pumasok na dahan-dahan at shocks! May dalang baril! Tinutuktok iyon sa lalaking natutulog! God! "Huwag!" awat niyang pasigaw pero tila hindi siya naririnig o nakikita. "Hoy! Gumising ka!" sigaw niya sa lalaking natutulog at walang kaalam-alam sa panganib. Napalunok na lamang siya sa matinding nerbyos nang itutuk pa ng masamang lalaki ang baril sa noo ng lalaking tulog. Naramdaman yata iyon ng lalaking tulog dahil nagising naman ito. Gulat na gulat ito sa baril na nakatutok sa noo nito. Palipat-lipat na lang tingin niya sa dalawang lalaki. Hindi niya alam ang gagawin. "Pare, bakit?!" "Papatayin na kita para wala ng sagabal sa amin ni Yuri!" "Pare, maawa ka sa'kin!" "Inagaw mo ang syota ko! G*go ka! Kapag wala ka na ay magiging akin ulit si Yuri!" Iyon lang at pinaputok na ang baril. "Eiiiiihhhh!" malakas na tili ni Nica. Mas nahintakutan pa siya nang biglang lingon ang lalaki sa kinaroroonan niya. Gusto niyang magtatakbo, pero para siyang naitulos talaga sa kinatatayuan! Hindi pa rin niya maikilos ang kanyang mga paa! "Oh, my gosh!" At naibubulas niya nang makilala niya rin ang lalaking bumaril, dahil ito ang isa sa lalaking nag-uusap kanina! Kung ganoon ito mismo ang pumatay sa pinag-uusapan nilang konduktor nito! Ang hayup! "Nica! Nica! Gising! Ano'ng nangyayari sa'yo?!" Narinig niyang boses ni Landa, ang kanyang pinsan. Dumating na pala at niyuyuyog ang mga balikat niya para magising siya. Nagmulat na siya ng mga mata. "I-insan?" naguguluhang sambit niya. "Ako nga?! Bakit ano'ng nangyari sa'yo?!" alalang-alala na tanong naman ni Landa sa kanya. Hindi siya makapagsalita. Napatitig lang siya sa mukha ng kanyang pinsan. Nanginginig kasi siya at pinagpapawisan siya ng malapot gawa ng nakakakilabot na nasaksihan. "Ikukuha kita ng tubig." Pagkuwa'y nadinig niya na boses ng lalaki. Biglang lingon siya sa nagsalita. 'Yung lalaki kasi 'yon na bumaril sa lalaking tulog! "Siya! Siya ang pumatay sa boyfriend ni Yuri! Siya ang pumatay sa konduktor niya! Binaril niya sa noo!" malakas na sigaw niya na tinuturo ang lalaki. Bumakas sa mukha ng lalaki ang takot .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD