MASS C-2

1925 Words
"What's this?!"I shouted saka itinapon sa kanyang harapan ang tray na nakapatong sa may lamesita. "Master kailangan niyo daw pong kumain yan po ang bilin ni Doc" saka ito yumuko ng bahagya. "FRED!!! I told you hindi ako gutom!!! Ilang beses ko nang inulit ulit yan diba!!!" "Master paumanhin po pero kailangan niyo pong kumain. Halos buong araw na po kayong di kumakain simula pa po kaninang umaga". "Damn!!! Get out!!! Out!!!!!" I shouted. "Opo" yumuko ito ng sandali at umalis na din kaagad. "Till how many times?! Asshole" I shouted again at tinitigan ang pagkain na nagkalat sa may sahig. Mayamaya pa ay dumating ulit ang aking butler at ang katulong na nasa likod nito. Mabilis na nilinis ng katulong ang pagkaing nagkalat at ilang sandali ay yumuko din ito ng bahagya saka umalis. "How many maids we have?" "Master we only have one". Fred answered. "What?!! but yesterday I saw them, 5 maids". "Master, -----aham---ahamm" sabi nitong biglang umubo. "the 4 maids they all gone, I mean umalis na po sila". Kunot-noo kong tinignan si Fred na siya naman ay yumuko at ilang sandali pa ay nakangiting tumingin sa akin. "Why?" "They all afraid to you Master". He answered. Hindi ako nagsalita bagkus ay pinundot ko ang buton ng aking wheelchair upang ito'y umandar papunta sa malaking bintana. "Anong araw darating ang caregiver?". "Ang sabi po ni Master Zeus sa sabado daw po Master." "I see, may pinadala bang resume si Zeus?" "Meron po, kanina lang po ito dumating". lumapit si Fred saka iniabot sa akin ang dala nitong brown envelope. Pagbigay niya ay sumenyas agad ako na umalis na sa aking kwarto. "Jane Javier" habang nakatitig sa resume at litrato ng babae. _____________________ Pagsara ng pinto ay nagmadali agad akong puntahan ang kasambahay. "Bakit po Sir Fred?" bungad nito sa nasa kusina. Tinigil muna nito ang paghuhugas ng pinggan at pinunasan ang kamay. "Hindi ka na ba mapipigilan?" Naupo siya may upuan at ilang sandali na tumahimik. Maya-maya pa ay tumulo na ang luha nito. "Sir Fred sigurado na po ako". Umiling-iling na lang ako, hindi ko napigilan ang makaramdam ng awa. Kung ako lang talaga ang masusunod hindi na ako kukuha ng katulong. Pero di ko naman kaya na gumawa ng gawaing bahay lalo na't napakalaki nito. "Baka naman pwedeng sa sabado ka na lang umalis. Sa sabado pa kasi darating ang------" "Sir Fred hindi ko na po kayang marinig si Master Achi na sumisigaw at pagsalitaan ako ng di maganda. Aalis na po ako bukas Sir Fred. Please po, ayoko na po dito". ani nitong humihikbi saka pinunasan ang kanyang luha. "Sige, ibibigay ko na rin ang sahod mo mamaya para sa isang linggo mong pagta-trabaho" sabi ko saka bumuntong hinga. "Wag ka nang umiyak iha. Lahat ng nagtrabaho dito yan ang dahilan, hindi nila kaya ang ugali ni Master Achi". Tumahan naman na ito at muling bumalik sa paghuhugas ng pinggan. "Ganun po ba talaga si Master?" "Hindi, napaka tahimik niyan dati pero never yang sumigaw, kung galit man siya hindi yan magsasalita. Simula lang nung naaksidente siya naging ganyan na siya. Napaka bugnutin at hindi makausap ng maayos". sagot ko. "Mabait po ba siya dati?" She asked again. "Yes, He's very kind and generous. Although hindi siya pala ngiti pero mabait si Master Achi. Shy type nga lang" I answered saka ngumiti. "Sayang po. Gwapo pa naman si Master kaso napaka suplado" sambit naman nito na tila nagbibiro. Ngumiti ako at ilang sandali lang ay nag-ring ang cellphone mula sa aking bulsa ng pantalon. Kinuha ko agad ito upang sagutin. "Maiwan na muna kita iha.". "Sige po. Salamat po Sir Fred" sagot nito at marahang yumuko. "Fred how are you? how's achi?" tanong agad nito nang sagutin ang tawag. "Master Zeus ang totoo po niyan, aalis na naman ang kasambahay na halos kaka-hired ko lang last week. Pwede ho bang madaliin yung caregiver na ipapadala mo rito?" "Tsk, dahil na naman ba kay Achi kaya nagsilayas na naman ang mga kasambahay dyan?" inis na sambit nito. Hindi na ako sumagot bagkus ay pinakinggan ko na lang ang buntong hinga nito. "Sige Fred, kakausapin ko si Jane." "Master Zeus kung pwede po sana bukas?" tanong kong nag-aalangan. "Ha? bukas?, tsk tsk, mukang palala na nang palala si Achi" Muli akong natahimik at naghintay ulit sa sasabihin ni Master Zeus. "Okay. I'll send her tomorrow." "Salamat po Master Zeus" "Okay Bye" sambit nito saka putol ng tawag. ___________________ Tahimik siyang nakadungaw sa kanyang bintana. Dis-oras na ng gabi pero hanggang ngayon di pa rin siya kumakain. Inilapag ko ang tray sa lamesita na malapit sa kanyang kama. Napansin ko ang pagsulyap niya sa akin na agad din iwas niya ng tingin. "Master dinalhan ulit kita ng pagkain alam kong gutom kana". Hindi siya nagsalita bagkus ay lumapit siya sa lamesita at kinuha ang remote ng tv. Napansin ko ang na nasa kanyang kama. Marahil ay hindi niya pa tapos basahin kaya hindi niya pa itinatapon iyon. "Master bukas po aalis ang kasambahay natin?" I said pagkatapos ay pairap niya akong tinitigan. "Then? is that new?" sarkastikong sagot nito. Tama naman si Master, hindi na bago ang pag-alis nang mga kasambahay na tumatagal lamang ng halos isang linggo. "May parating naman po bukas. Si Ms. Jane Javier po, siya ang pinadala dito ni Master Zeus". Natigil siya sa pagpindot ng remote at lumapit doon sa may lamesite. Kinuha ang sandwhich at tahimik na kinain. "Aalis din yan" sabi niya sabay ngisi. "Master ang bilin po ni Master Zeus si Jane na daw ang huli niyang iha-hired as your caregiver. Hindi na daw po siya kukuha ng tagapag-alaga kung sakaling biglang umalis si Ms. Jane." I explained saka ko nakita kung paano tumulis ang nguso ng aking amo. "Then?!!. Is it my problem?" pagmamayabang niya na sa totoo lang gusto ko siyang batukan dahil sa asal niyang di na nakakatuwa. "What?!!" asik nito nang makita akong nakatitig sa kanya. "Wala po Master" saka yumuko. _____________________ "Manang bakit biglaan naman po? Ang sabi niyo po next week pa? pwede po bang bumalik ako?" naiiyak na ako habang kausap ko si Manang mula sa kabilang linya. Para akong kinidnap na bukal sa aking kalooban. Maaga akong ginising ni Manang at ni Master Zues, wala na akong nagawa kundi ang mag-Oo tutal naka pirma na ako sa kontrata. Ang pinag-iba nga lang ay napabilis ang pagpunta ko. "Jane, wag kang mag-alala sagot na namin lahat ng expense mo mula sa byahe hanggang sa makarating ka kila Master Achi." "Nay, parang di ho yata ako darating ng buhay kila Master Achi" sabi ko saka tinignan ang malawak na dagat habang mabilis na umaandar ang speed boat. "Kalma lang iha, marami namang sasagip sayo kung sakaling muhulog ka dyan" "Pero nay----" di ko na napigil kaya humaripas ako ng takbo papunta doon sa may C.R. Nilabas ko lahat ng di kanais nais na lasa sa aking bibig. Pagkatapos kong iluwa lahat ay muli kong sinagot ang cellhone. Nandoon pa rin sa kabilang linya si Manang. "Sa umpisa lang yan iha, masasanay ka din" pangungumbinsi nito "Jane? okay ka lang Jane?" sambit din ni Minah na nasa kabilang linya. "Oo naman Minah, okay lang ako" sabi kong pilit na tumawa. Kung hindi lang sa aking kaibigan ay hindi ko talaga tatanggapin ang trabahong ito. "Sige Minah tatawag ulit ako mamaya, Bye". Agad kong pinutol ang tawag at muli ay di ko na napigil ang pagsusuka. First time kong sumakay ng speed boat mas nakakahilo ito kesa sa barko. Parang binaliktad ang sikmura ko dahil sa sobrang bilis. Makalipas ang halos 30 minutes ay nakarating na kami sa isla kung saan tumutuloy si Master Achi. Parang hidden paradise ang nakikita ko ngayon dahil sa puting buhangin nito at nagtataasang puno ng niyog, idagdag pa ang kulay asul na tubig mula sa dalampasigan. "Nandito na po tayo Mam" ani ng lalaking naka itim na suit na kung hindi nagkakamali ay bodyguard ito. Nilahad nito ang kamay upang alalayan ako sa pagbaba ng speed boat pagkatapos ay kinuha nito ang malaking bag na dala ko. "Salamat" sagot ko pagkababa, Tila ngayon ko lang napansin na ako lang pala ang babae. Limang nakaitim na lalaki at isang lalaking nakaputi naman na tingin ko ay driver ng speed boat. "Grabe ang ganda dito, parang boracay" sabi ko habang palingon lingon sa paligid. "Mam Jane dito po" aya ng isang lalaki. Sumunod ako sa kanila ta kapansin pansin ang batong aming nadadaanan haggang sa maging sementado ito at ilang sandali pa ay may malaking gate na pagkataas taas na halos kasing taas ng gate nila Master Zeus. "Sir Fred we're here" ani ng isang bodyguard na may kausap sa cellphone. Ilang saglit awtomatikong bumukas ang gate at habang bumubukas iyon ay unti unti kong natuon ang tingin sa maaliwalas na kulay nito. Panay din ang pag-ihip ng malamig na hangin dahilan para magkrus ako nang aking braso. Maliban doon ay kapansin pansin ang patag na damo na sa tingin ko ay maintain din ang pagtabas dito. Pati ang sahig ay napakalinis kahit yata magpagulong ako ay walang duming didikit sa akin. Di rin nakaligtas sa mata ko ang mga puno ng niyog na hitik na hitik sa bunga. "Magandang araw po Ms. Jane" bati nang matandang lalaki sabay yuko ng bahagya. "Magandang araw din po". bati ko din. "Halika ka Mam, pasok po" aya nito at saka lumakad papunta doon sa may bahay na may malaking pinto. "Maupo ka muna iha, alam kong mahaba ang byahe mo. Kaya mag-meryenda ka muna" sabay lahad ng kamay na nakaturo doon sa center table na katapat ng sofa. May nakahanda nang sandwhich, cookies at isang basong tubig doon. "Okay po". saka kinuha ang tubig na mabilis kong inubos. "Pasensya na po bumaliktad po kasi ang sikmura ko kanina habang nasa speed boat," sabi ko nang mapansin na nakatingin sa akin ang matandang lalaki. "Okay lang iha," sagot nitong nakangiti. "Iha doon ang magiging kwarto mo" at itinuro ang pinto na malapit sa hagdan na may beranda. Paglingon ko ay saktong nagtama agad ang aming mata. Di ko agad siya nakilala dahil pumayat siya bahagya. Ang tanging di nagbago sa kanya ay ang mata niyang walang ekspresyon. "Master si Ms. Jane po. Kakarating lang niya" pakilala ng matanda. Akala ko magsasalita ito pero tinitigan lang ako ng ilang segundo at agad ding umalis. Tsk, suplado. Muntik ko pang iboses buti kinagat ko agad ang bibig ko. "Ahhh pasensya kana iha, wala sa mood ang amo ko" sabi nang matandang pilit na pilit ang ngiti "Hehehe okay lang ho. Medyo naikwento nga sa akin ni Manang na may pag suplado nga po si Master Achi". Ngumiti ang matanda. "Alam mo na rin siguro iha na siya ang aalagaan mo, tama ba?" Tumango ako at pasimpleng kumagat ng cookies. "Opo, propesyon ko po dati ang pagiging caregiver". "Aba'y mabuti. Sige iha tapusin mo muna yang pagkain. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Magpahinga kana muna ngayon." Bilin pa nito at bahagyang yumuko. "Sana ikaw na ang huli" bulong nito dahilan para kumunot ang aking noo. Pag-alis ng matanda ay pasimple kong binaling ang tingin sa pinto na malapit sa may hagdan.Doon daw ang kwarto ko siguro malinis na ito dahil nakabukas na ang ilaw sa loob. Ilang sandali lang ay nakita kong bumukas ang katabi nitong pinto. Dito pumasok si Master Achi kanina siguro lalabas siya at kakausapin ako. Pero lumipas pa ang ilang minuto ay nakaawang lang ito na tila may nakasilip. "Anong problema nun?"sabi ko habang kumakain. _______________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD