Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 95 GREG (POV) "Kinakabahan ako mga frend, para aatikihin ako sa puso. Parang hindi ko yata kayang tumuloy," ang wika ni Dante noong papasok na ito sa dressing room. Makalipas ang ilang buwang paghahanda ay dumating na rin sa wakas ang laban niya sa Hiyas ng Dalampasigan. Ginaganap ang contest mismong tabing dagat, nagkaroon ng malaking stage doon na nilagyan ng maraming ilaw hanggang backstage. Syempre ay may entrance fee at required na nakasuot ng summer or beach attire ang mga audience kahit sobrang lamig ng gabi. "Ngayon ka pa ba kakabahan? Nanalo ka na dati diba? Saka ilang months rin kayong nag handa. O ayan yung make up artist mo. Doon kami sa labas, pag husayan mo," ang wika ni Julian. "Wala ba talaga si papa Shan?" tanong niya "Wa