Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 36 JULIAN POV (AHNA) "Kuya Jul, dito na po ba ulit kayo titira ni kuya Shan?" tanong ni Raf. "Ah e, hindi Raf, dito lang muna ako dahil namiss kita at namiss ko kayo nila mama," ang tugon ko habang naka-ngiti. "Namiss ka rin namin kuya Jul, saka si Kuya Shan, miss na rin namin," ang tugon ni Raf habang naka ngiti. Humalik pa ito sa aking pisngi bago pumasok sa kanyang silid para magbihis. "Alam mo matalinong bata si Raf, alam niyang may problema kayo ng kuya niya," ang wika ni mama. "Hindi naman mauunawaan ni Raf yung tunay na problema. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na yung kuya niya at hindi na ganoon sa dati," ang wika ko naman. "Syempre ay hindi alam ni Raf ang ganoon bagay tungkol sa kuya niya, ang mahalaga sa kanya ay buhay ito