Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 14 JOMAR POV (ALYAS POGI) "At saan ka galing magaling kong kasintahan?" ang bungad ni Bogs noong tumambad sa akin ang kanyang hubad na katawang nakaharang sa pinto ng aming apartment. Galing ako sa meeting namin ni Greg doon sa restaurant ni Julian, kinailangan ko lang huminga dahil sakal na sakal na ako dito kay Bogs. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko, landi here, landi there, landi everywhere, taga Makati ka ba?" tanong nito pa niya habang nakaharang kili kili sa aking harapan. "Ano bang pinag sasasabi mo dyan? Hindi ako makati at isa pa ay nagsasabi ako ng totoo. Bakit ba sobrang praning mo?" tanong ko sa kanya. "Dahil ayaw mong matuloy yung kasal natin, mayroon kang tinatagong kabit. Malalaman natin kung nagsasabi ka ng totoo ngayon Joma