Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 34 ERNEST POV (TLP) "Nakakainip sa UK pero maganda doon. Sa next vacation ay daldahin namin kayong dalawa doon para makapagrelax naman kayo," ang wika ng mama ni Gomer noong dumating ito galing sa ibang bansa. "Hayaan niyo at ibu-book namin yung bakasyon niyo ni Ernest para hindi kayo nag-aaway ng todo. Balita ko halos dalawang buwan na hindi unuwi si Ernest dito dahil sa kalakohan mo?" tanong ng papa ni Johan kay Gomer mismo. "Isang maliit at simpleng misunderstanding lang ang nangyari sa pagitan namin ni Ernest ma, pa. Ngayon po ay okay na kaming dalawa," nakangiting sagot ni Gomer. Napatingin sa akin ang kanyang parents, wala pa rin akong kibo at mas magandang wag nalang ako mag salita, hindi naman ako naniniwala sa kasabihang less tal