Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 42 JOMAR POV (AP) Patuloy akong nagdrive patungo kung saan hanggang sa makarating ako sa bakuran nila Greg. Ito kasi ang pinakamalapit na pwedeng hintuan. Matagal nakahinto ang aking sasakyan doon, nakadukdok lang ako sa manibela at nag-iiyak para bang wala laman ang aking utak, kumakabog ang aking dibdib bagamat matindi ang kirot nito. Ang aking paghinga ay masikip, ni hindi ko alam ang dapat kong gawin. Marahil ay napasin ni Greg na pamilyar ang sasakyan sa harap ng kanilang gate kaya naman lumabas ito at sumilip. "Jom? Anong nangyari sa iyo? Okay ka lang ba?" tanong nito noong makita akong nakadukdok sa manibela at umiiyak. Tumingin ako sa kanya at umilinh. "God, ano bang nangyari? Halika muna sa loob, mabuti dito ka nagpunta, kaysa na