Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 49 GOMER POV (TLP) "Good evening po sir Gomer, kumain na po kayo? Mayroon pong bulalo sa ref, gusto mo iinit ko?" tanong ni Jane noong makauwi akon sa bahay. Bitbit ang isang box ng chocolates at maliit na teddy bear para kay Ernest. "Hindi na, busog ako dahil sa handaan rin ako galing. Teka nasaan si Ernest?" tanong ko dahil parang wala ito sa kanyang silid. Nakabukas kasi ang pinto nito at walang ingay sa loob. "Ay, diba po ipinahiram niyo siya kay Sir Howie para maging PA? Sabi mo nga po pambasang alila at alipin si Ernest at may basbas mo na hiramin siya ni Howie bilang alalay. Kawawa nga si Ernest talaga ang baba ng tingin sa kanya," ang wika ni Jane na aking ikinagulat. "Oo nga po Sir Gorien, napakasama niyo po kay Ernest parang hin