Alyas Kanto Boy 2 The Reunion Season 2 AiTenshi Part 66 JULIAN POV (ANHA) Habang nasa ganoong pag-aayos ako ng gamit ay pumasok si Shan Dave. Takot na takot ito at kabang kaba dahil huling huli ang kanyang kataksilan at kababuyan. "Jul, Lets talk," ang bungad nito. "Kuhanin mo na lahat ng gamit mo dahil tapos na ang bakasyon natin. Kunin mo lahat ng mga pag-aari mo doon sa bahay at sumama ka na sa Carmela," ang salita ko sabay sara ng zipper ng aking bag. "Are you thinking na makipaghiwalay sa akin?" tanong niya. "Are you thinking na hindi ko kaya?" tanong ko rin sa kanya. "Bakit nagagalit ka? Matagal na man na tayong magkasama, nakatira sa iisang bubong. Naisip mo sana na lalaki rin ako at kailangan ko rin ng babae sa buhay ko," ang katwiran nito na wala sa lugar. "Kaya nga, d