Alyas Kanto Boy 2 The Reunion Season 2 AiTenshi Part 93 GREG POV (AKB) "Alam mo hindi ko talaga maexplain ang feeling kapag nakikita ko si papa Raul. Ang gwapo ng face, ang ganda ng katawan, tapos parang hindi tumatanda, parang hindi nagmamature ni isang guhit no?" ang bati ni Dante noong pumasok kami sa kanilang gate. "Huwag mo na nga akong bolahin, bente lang talaga ang ganda mo kaya iyon lang ang inilagay ko sa sobre mo at hindi ko na dadagdagan yon," ang hirit ni Raul. "Napaka kuripot mo naman kasi papa Raul. Nakakatampo ka na talaga," ang wika pa ni Dante. "Ibibigay mo lang naman sa mga lalaki mo yung perang naipon mo," ang sagot ni Raul sa kanya. "Ay, napaka judgemental naman nito, epekto ba yan ng pagiging isang daddy? Sooner tatawagin ka nang daddy Raul ng super cute mong