Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 102 GREG POV (AKB) Dito ay naramdaman kong bumigat ang talukap ng aking mga mata, nilaban ko ito at lumayo sa kanya pero hinablot niya ang aking katawan at niyakap. "Gusto mong lumayo diba? Tutuparin ko lang ang nais mo," ang bulong nito sa akin sabay hila sa akin papasok sa kanyang sasakyan. Sinubukan kong lumaban at magpumiglas pero bumigat ang talukap ng aking mata at wala na akong mataandaan pa. Noong bumalik ang aking ulirat ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang silid, nakahiga ako sa kama at nasa aking harapan si Jeun, nakahubad ng pang itaas na damit at nakasuot ng pantalon. Masakit pa rin ang ulo ko pero pinilit kong bumangon para komprontahin siya. "Anong ginagawa mo sa akin? Gago ka!" ang singhal ko. "Yung softdrinks na binu