Alyas Kanto Boy 2 The Reunion AiTenshi Part 61 GREG POV (AKB) "Alam kong nakakatraumang experience iyon para kaya Greg, kahit nga ako magdamag na hindi nakatulog doon sa apartment ni Sab dahil baka maya maya pati ako ay gapangin niya no," ang wika ni Dante habang kumakain kami ni Aldrin sa kanilang restaurant. "Alam niyo naman na may saltik yung babaeng iyon, matindi ang tama sa utak, muntik pa tuloy akong mapahamak," ang wika ko naman sabay inom ng alak. "Mapahamak dahil magagahasa ka ng di oras? O mapamak dahil for the first time ay natalo mo ang kagwapuhan at kakisigan ni Raul Robles? Ano sa dalawa? Mapahamak because?" tanong ni Dante. "Pamahamak dahil galit galit na galit sa akin si Raul. Hindi niya matanggap yung nakita niya," ang sagot ko naman. "Hindi niya matanggap na ikaw